depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry that you experience this. Better to leave him. Wag mo na isipin dahil kasal kayo. Don't wait na pati baby mo eh ipahamak nya. Kumuha ka ng ebidensya. Pag sinaktan ka, magpa-medico legal ka kaagad saka mo sya sampahan ng kaso. Also, makipagugnayan ka sa women's desk ng presinto ninyo.

Mommy, unang bugbog pa lang niya sa yo masama na. Mommy, walang mali sa yo, hinubog ka ng Diyos ng maayos at matino, ang ganda mo mommy at YOU DESERVE BETTER!!! NO, THE BEST! Mommy be strong, protect your children from this monster. LEAVE, go to the police, go to your parents, go to your family.

5y ago

Alam ko hindi madali, magdasal ka mommy, magdasal tayo. I will pray for you to have strength. Mommy habang maaga pa, huwag mo palakihin kids mo sa ganyan. FOR THE KIDS, LEAVE! Mommy, you are loved, Jesus died for you, He does not want you to suffer. Call to Him, He will be with you, He is with you.

base sa mga screenshot mo na message nya,may mental disorder na yan.hindi naman nagsasalita ng ganyan ang isang matino at maayos na lalake. may the Lord God protect you,your baby at ang panganay mo. Please do something about it. hindi pwede na papayag ka ng ganyan. help yourself girl.

Oh please!!!! SUMBONG MO SA PULIS! WALANG MANGYAYARI KUNG LAGI KANG TAKOT. MAAWA KA SA KALALAKIHANG BUHAY NG MGA ANAK MO! MARAMING KASO PWEDENG IKASO SA BALIW MONG ASAWA. WAG KA MATAKOT SIS. KAILANGAN MALAKAS LOOB MO HARAPIN YAN. IPAKULONG MO HANGGANG MABULOK ANG PUTANGINANG YAN!!!!

Make a move na mother. Hindi pwedeng ganyan ang magiging relationship niyo lalo na't magkakababy pa kayo. Oo, kawawa ang anak kapag lumaki nang walang father pero mas kawawa ang family kapag nabubuhay sa violence. I stand against violence on women. Seek for help and leave him.

Hanggat may oras ka pa hiwalayan mo na. Umalis ka na. Wag mo hayaang mapatay ka pa nyan. Ano bang klaseng nanay ka na pati anak mo nadadamay na pero wala ka pa rin action. What you tolerate is what will continue. Kaya mo yan. Hingi ka tulong sa mga authorities hanggat kaya mo pa.

Shet momshie. Please habang hindi ka pa nanganganak tumakas ka na :( wag mo na sabihin sakanya dahil baka saktan ka pa lalo. Please please leave. Baka ma patay ka nyan ng di oras. Uwi ka na sainyo momsh :( hindi naman mahal aga sakanya marriage niyo, wala ka dapat panghinayangan.

may sayad ata sa utak yan ii . nakakaloka ..iwan mo na moms ..kasal isang page ng papel lang yan ..ung habang buhay na pambubogbog malaking kamartiran mo na yan . Pakulong mo pakita mo yan proof na yan eh. banta pa more ay nako ..May sayad sa utak ..Sorry to say that moms.

Gosh. No reason to stay is good reason to leave that kind of relationship. Ireklamo mo sa Womens desk, kasuhan mo Vawc para tumino at maisip niya na siya ang walang kwenta. Nakakapang int siya ng ulo. Gwapo ba yan? May napatunayan na ba yan sa buhay? Ano ba trabaho niya?

5y ago

Yun na nga po eh. 24 palang po sya pero kung maka asta akala mo ang layo na ng narating sa buhay puro yabang lang. Palibhasa po kase lumaki sa mayaman na pamilya. Ang dami dami po nyang pinag yayabang saken na kahit minsan d ko naman nakita. Kesyo may mga baril daw po sya at kaya nya ubusin lahi namin pero sa buong pagsasama namin kahit bala wala naman akong nakita.

Before ka manganak maging matapang ka na magdesisyon kung kaya mo pakisamahan ang ganyang klaseng tao. Kung ganyang tao din lang naman ang tatayong ama ng anak mo sis i guess mas mabuti na lu.aki siyang walang tatay. Stop the suffering! Be brave to decide!

Magbasa pa