Sudden Appetite Changed
Hi po, may 1 year and 7 months po akong baby boy, magana na sya kumain e yung tipong kada meal nya may meat, veggies, rice at fruits at halos nauubos nya lahat, pero recently lang mga 1 week na syang halos ayaw kumain at puro prutas lang. Tapos ngayong araw halos walang kinain, puro breastfeed lang sya sa akin. Anu po kayang nagyayari? He seems ok naman po at energetic.
Same as my baby po. Magana sya dati kumain.. Nong 10 months old sya kanin na tlga kinakain nya at mga sabaw kaso minsan nong naospital ayaw na kumain. Gusto laging lugaw. Kaya tyaga nalang ako maglugaw at biniblend pa para mas pino. Ayaw nya kasi ung ngunguyain pa. Para lang kumain at di mamayat.
Huwag mo bigyan ng kung ano-anong pagkain. Pag ayaw nya kumain hayaan nyo lang huwag nyo pagbigyan sa gusto nya. Sa susunod na meal na naman. Huwag ka mag-alala hindi magugutom yan. May mga times talaga na hindi sila kakain at babalik din yan sa dati.
Yun po ginagawa ko lagi momshie kaso pagkakain nya idudura din nya agad. Hindi po kaya dahil sa pagngingipin?
Iba iba po every meal. Talagang nag eeffort po ako kasi stay at home naman po ako.
Different varieties naman po ba yung meals nya? Like hindi po paulit ulit?
Try nui po ng ibang pagkain like ung bago sa knyang panglasa
Nagiipin nga po yan
Nurturer of one Naughty Daughter