Stories
Hi Mommies! ❤️ can you share about your first time baby labor and delivery? How was it? ?

May 10 in the morning (mothers day) naglakad lakad ako kinausap ko baby ko na bigyan ako ng sign at na kung pwede lumabas na siya at wagna patagalin pa at sana hindi ako pahirapan tapos kinagabihan parang ang skit ng puson ko parang may malalag lag. May 11 5:30 nag cr ako kasi naiihi ako pagtingin ko may brown na dugo parang sipon so sabi ko baka sign na ito tapos naglakad pa ako hindi pa masyado masakit at nag squat then pagtingin ko ulit pinkish blood na lumabas so nagpunta na ako sa hospital ako lang. Chineck nila close cervix pa ako pero nung sinabi kung may lumabas na dugo agad nila tinawagan yung doc. Nuong dumating na yung doctor, inutusan pa ako magpa ultrasound eh kesyo sira daw ultrasound machine nila. Ang haba ng pila at naninigas na tyan ko. Tas paglabalik ko sa hosp kinailangan na nila ako iadmit dahil bumagsak heartbeat ni baby. So kailangan i CTG nila ako every 4 hrs, no food and water intake. Sobrang uhaw ko nun diko napigilan uminum kasi huling inum ko ng tubig ay umaga so hanggang 10pm ng gabi wala na. May 12 bandang 4am ni CTG ulit ako at habang ginagawa yun panay na yung paninigas ng tyan ko hanggang sa natapos at ng bumaba ako sa higaan tuluyan ng nabasag yung water bag ko so dahil hindi nagbago yung heartbeat ni baby so instead na Normal, na CS na ako. Sa awa ng diyos safe naman kami ng baby ko.
Magbasa pa
Excited to become a mum