Unable To Latch

Hello mommies, tanong ko lang po baka may same experience sakin.. 7days old po si LO ko, since day1 nakaformula sya.. Kasi hindi ako nagkabreast milk agad. Pang 3rd day pa ako nagkagatas. Pero kahit may milk na ako hindi sya makadirect ng dede sakin feeling ko dahil yung patience nya magsipsip sa nipple ko eh nawala na. Kaya pinapump ko.. Tapos pinapainom sa kanya. Pero simula kahapon hanggang ngayon yung napump kong milk ayaw nya inumin niluluwa nya lang. Ano kayang gagawin ko para sakin na dumede si baby. Gusto ko talaga na sakin sya dumede. Salamat po sa sasagot.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nipple confuse na sya mamsh kaya d sya makalatch sayo 😔 mas madali kasi dumede dun sa chupon na tumutulo lang ang gatas kesa sa sinisipsip. Pero wag mo sukuan mommy sayang ang colostrum mo. Pinaka healthy na milk yan Liquid gold yan. 3 weeks lang po ang colostrum. Sa pumping naman advisable yan kapag 6weeks old na si baby kasi dun palang magsstable ang milk supply mo. Try mo mamsh more skin to skin contact with lo. Pakiusapan mo makikinig yan sayo. Then pag nagssleep na sya ioffer mo pa.din ang breast mo maglalatch yan unconciously. Kaya yan mommy patience lang po 😊🤗 para po mawala ying nipple confuse ni baby need mo po tlga muna stop ang bottle feeding.

Magbasa pa
VIP Member
VIP Member

Mamsh ipa-latch mo lang sa kanya. Mas okay hanggat maaga pa sayo lang siya na dede.