Hi mommy, same situation ng baby ko nung bagong panganak ako. Tyaga lang po mommy, if inverted pwede po kayo gumamit ng syringe na walang needle para mahila nipple nyo. There are babies po na fuzzy talaga kasi naninibago pa sila outside ng womb. Check nyo po position ni baby pag nadede, kasi baka di sya kumportable. Si baby ko po kasi ganun, akala ko ayaw sakin pero gusto lang pala nya naka patong sya sa unan habang nadede 😅 kasi dun sya nasanay nung nasa hosp pa kami. Check his output mommy, may wiwi ba? may poop? If oo then ibig sabihin nakakadede siya ng ayos sa inyo. As long as di matamlay or lethargic si baby. Wag nyo din po hintayin na gutom na gutom si baby or iiyak pa bago pa padedehin, check the hunger cues, pag umiyak na kasi sya tendency aayawan nya talaga ang dede at mas gustong matulog na lang. More on liquids mamsh, hindi mo kailangan ng mga malungay capsules para dumami ang milk, secrer para dumami ang milk is padedehin si baby ng padedehin dahil dun lang magkakaroon ng signal ang katawan nyo para mag produce ng milk. Nasusugatan ang nipple? Check nyo ang latch ni baby, baka po kasi shallow ang latch niya or baka may tongue tie. Ditch formula milk, kasi if goal nyo talaga ang breastfeed, magkakaroon lang ng nipple confusion ang baby pag na bottle feed na at aayawan na ang breast nyo, tendency iiyak pag dede sayo. Okss lang mommy na di matamis milk nyo, di po kailangan maging matamis para magustuhan ni baby. ☺ Virtual hugs mommy. Kaya mo yan. Breastfeeding is the best for babies, pero whatever you choose, either formula or bf, as long as you are both okay and healthy then that's fine ☺
Magbasa pa