pagdapa
Hello mommies. Tanong ko lang kung bawal ba ang ganitong posisyon ng pagtulog ni baby? She's 1 month and 14 days. Mas nakakatulog kasi siya agad pag ganyang posisyon. Thanks and God bless !


Mas nakakatulog nga po talaga ng mabilis pag ganyan PERO hindi po ina-advise ng mga pedia kasi prone po sa tinatawag na SIDS o sudden infant death syndrome (mga baby na bigla na lang namamatay). Minsan kasi hindi din namamalayan na baka naba-block na ang airways ng baby. Prone din po kasi sa accident ang ganyang posisyon kasi po minsan kapag nakakatulog na din ang nagkakarga, baka mag roll over si baby. BACK IS BEST (nakatihaya at nasa sariling crib) po ang recommended. Siguro may mga magsasabi na ginawa nila sa baby nila at wala namang nangyari. But always remember na walang pinipili ang aksidente kaya mas mabuti na mag ingat na lang po. Read po ito: https://ph.theasianparent.com/sids-sudden-infant-death-syndrome
Magbasa pa