EXCLUSIVE BREASTFEEDING

Hi mommies, tanong ko lang, considered bang exclusive breastfeeding ako if nagppump ako at yun pinapadede sa baby ko sa umaga? the rest of the day at gabi direct latch sya sa akin. Sa umaga kasi nagbabawi ako ng tulog at lola nya nagbabantay sa kanya. Kaya nagtatabi ako ng 2 bottles of breastmilk na pinapump ko sa gabi para kay baby. Noong first month lang sya nabigyan ng formula (once a day) dahil hindi ko pa napapalakas milk supply ko for his needs. Baby is now 2 months, direct latch and pumping ako. No more formula milk mula nag 1 month sya. Ang tanong ko, makakaprevent pa din ba ng pregnancy kapag nagppump ka? Hindi pa din bumabalik ang menstruation ko mula nanganak. Salamat po