Depression
Hello mommies! start nung 7weeks yung baby ko sa tummy ko, until now 8weeks and 2days na siya. sobrang naging over thinker na ako. minsan nagigising ako madaling araw then i will cry for no reason. i wanted to talk to someone about everything. hindi kasi naging madali yung journey ko simula nung malaman kong magkakababy na ako. iniwan din kasi ako ng boyfriend ko kahit alam niyang may baby na kami. sabi din kasi ng dad niya na kapag mag ex na, wala na daw dapat usap usap o kita kita. (hindi alam ng parents niya na preggy ako). ang hirap pala no? kapag ikaw lang magisa. Ganto po ba talaga kapag buntis? minsan nagiging depress na? at over thinker? i hope this mother's day, would be a great day for me.
18w3d firstime preggy here. from day 1 of pregnancy tanggap ko na single mamsh ako. I'm blessed, his lost. okay na sana, mananahimik nalang ako, until kung ano ano pa nakakarating sakin, kesyo hindi daw kanya pinagbubuntis ko, pinapaako ko daw responsibilities, worst, baka mag file pa daw case sya and his family against me, paninirang puri. and I was like, wow! paninirang puri? kelan pa naging paninirang puri ang na sabihin na sya ang ama ng anak ko, e totoo naman. ano pokpok lang ako kung kani kanino nagkikipag sex. 14w to 16w, stressed and depressed ako kakaisip about dyan, hindi ko pa din kase sinasabe sa family ko about sa usapin na yun, pero alam na nila na buntis since 8w. ako lang nakaalam, until sinabe ko sa ilang closest friends ko yan. nagka knowledge ako Violence Against Women and Children, RA 9262, search search din ako. I can file case against him, emotional and economic abuse. I can file case, kahit hindi naka surname sakanya ang bebe. now 18w3d pa lang ako, pero buo na ang desisyon ko, lalaban ako para sa rights ng bebe ko. mag pa file ako case against him kapag nakalabas na bebe ko at okay na kame para if ever mag deny pa sya at kung ano pa mga sabihin nya, judge na magrequest for DNA. as of now, focus muna ako samen ni bebe. tama na ang almost 2wks na pag iisip, alam ko naman na gagawin ko. salamat sa friends and google. hindi ka nag iisa mamsh, right after ma preggy ka, hindi ka na nag iisa, lagi na kayong dalawa sa thoughts and heart mo. lumaban ka, hindi paghahabol yun sa lalake. lumaban ka para sa rights ng bebe mo. "God is within us." - Psalm 46:5
Magbasa pahi mamsh..wag mo hayaan kainin ka ng emotions mo..yes sobrang hirap kontrolin lalo may pinagdadaanan ka..ihinga mo yan ng malalim sabay pray ka na sana lalo ka pa patatagin ni GOD at malagpasan mo yan lahat..marami dn na ganyan ang dinanas while preggy mamsh.. nalagpasan nila malalagpasan mo dn.. be thankful and grateful na ngayon pa lang nakita mo na totoong kulay nya.. hindi ko alam kung alin ba mas masakit.. yung iniwan ka nya o yung magstay nga sya sayo just to fool you..papaniwalain kang mabubuo kayo pero after pala nun pag lumabas ng si baby maipangalan lang sknya saka ka nya babalakin iwan at magpakatotoo na ayaw nya sayo.. na meron naman pala sya iba..na to think sya mismo may gusto nung una na wag ituloy.. mas maige na dn yan mamsh.. kaysa mas lumalim at matindi pa danasin mo na kasama sya.. i guarantee you sa paglaki ni baby mo sya yung magpoprotekta sayo sa lahat.. in his little own way.. ganyan ang baby ko ngayon mamsh 6y.o na sya and yet he knows what to do whenever makita nya na para kong may pinagdadaanan.. pasimpleng mag eeffort na may gagawin sya to make me happy.. kaya yun dn i look forward mo.. mas maswerte ka sknya.. sya nawalan indi ikaw..
Magbasa paThankyou po!
ganito momshy, sabihin mo sa parents mo tapos ipasabi mo sa mga parents niya! Don't be scared! May karapatan ka na, and if may nangyari sa iniyong dalawa kaya ka nabuntis may laban ka sa batas. it's already a legal matter. Ipapanagot mo sa tatay ng baby mo yung bagay na yan! Ang kupal niya naman! May laban kayo sa batas. Ipa-pangalan mo sa kanya yung baby mo para din mas may laban ka in terms of support! Grabe, alam niya magkakababy kayo wala man lang pakialam??? Review the law, check it out on the internet! Pasok na pasok yan sa banga! Yung law against women and children's act! Wag kang matakot, baby niyo yang dalawa tapos ikaw lang sasalo? Ang swerte naman niya masyado! Wag mo ipagkait sayo karapatan mo mommy, saka yung karapatan ng future baby mo. Di niyo kailangan magsama if wala na talaga, but you y have to be smart and brave about this! Ang kupal din masyado ng tatay niya ahhh!! Wag mong hayaan makatakbo mga ganyang klase ng tao! And good luck sa pregnancy mo, normal lang po mga nararamdaman mo! I hope you won't ignore my advice!
Magbasa paThankyou po mga mommy. 😊😊😊
Isipin mo na lang yung baby mo momsh, yun pa lang sapat ng dahilan para maging great ang mothers day mo kasi greatest blessing mo yan si baby at ikaw din ang magiging greatest blessing sa buhay nya. Kaya kung nagawa ka mang iwan at talikuran ng ex mo mag pakatatag ka para sa magiging anak mo. Kailangan mo din kasi Labanan ano man pag subok at depression habang nagbubuntis ka kasi lahat ng yan nararamdaman at umeepekto din Kay baby. Kaya mo yan momsh. Mas madami mas malaki pa at mas mabigat pa pinagdadaanan kesa sayo ang importante kinakaya at kakayanin natin lahat para sa anak natin.
Magbasa paThank you po! napagaan loob ko. 😊😊😊
hello po, ako po 31weeks na. nung una okay kami ng dad ni baby pero habang tumatagal naging palainom, barkada, laro at babae siya. gabi-gabi ako umiiyak sa tatay ng baby ko, sobrang hirap pigilan 'yung emosyon, at ngayon tuluyan na kaming iniwan ng daddy niya. pero sa halip na mas lalo akong maghabol, naisip ko okay lang kaysa magstay sa ganoong relasyon. his parents didn't also know na preggy ako, kusa nilang pinalayo to Cebu while maiiwan ako dito sa Manila.
Magbasa paalam mo, sa akin matindi. kasi kahit nalaman na ng pamilya ko na preggy ako, nung tinanong ko siya kung handa ba siyang magpakasal, sabi niya hindi tapos kahit manlang i-acknowlede 'yung sa birth certificate, hindi na umiimik...
Your baby is a blessing. Kung iniwan ka ng tatay nya at bahag ang buntot para suportahan ka, magpakatatag ka, lumaban ka mag isa, anjan pa parents mo. Madaming single mom na naging successful ngayon, madaming single mom na ginawa lahat para sa baby nila kahit mahirap. Think positive, don't over stress yourself para sa taong walang kwenta. Kaya mo po yan, hingi ka gabay sa parents mo.
Magbasa paI think for me a good decide lang na daoat mas isipin mo si baby sa tummy mo and then isipin mo lang ung makakabuti kay baby kase sa una palang naman yan mainam ng malaman ng parents ng lalaki ung situation mo kung ipag tabuyan ka man ng parents nya Hayaan mo nalang isipin mo nalang si baby na kaya mo kahit hindi sila tumulong kay baby ka kumuha ng lakas para maging matatag ka
Magbasa paLakasan mo loob mo mumsh para kay baby. Lahat ng nararamdaman mo nararamdaman din ni baby. Pag narinig mo na ung heartbeat niya pag nakita mo siya sumisipa habsng inuultrasound ka tapos ung maexperience mo ung unang pitik sa puson mo nako mumsh mawawala lahat ng problema mo. Hindi po maiiwasan ung anxiety pero mumsh kakayanin mo yan worth it lahat ng hirap na pagdadaanan mo❤❤
Magbasa paThankyou po! 😊😊😊
Try to think more positively mommy para sa health ninyo pareho ni baby. Lalo na yan nasa 1st tri ka pa lang, mahaba haba pa ung journey po as pregnant mom. I believe na magtiwala ka lang na malalagpasan mo yan, makakayanan mo yan. Pray. Talk to God. Wag mo na muna isipin ung ex mo. Kawalan nya un. Paglumabas na si baby hindi ka na mag isa, may karamay ka na. 🙏☺️
Magbasa pabe positive lng po. wag mo na isipin yang ex mo wla nman kwentang tao un. better na sbihin mo sa parents mo lalo na sa mama mo para mgabayan ka sa journey mong yan. aliwin mo sarili mo ksma mga mahal mo sa buhay. blessing yang baby mo, ung ex mo nwalan nd kw. fight lng mommy kung nkaya ng iba ganyang sitwasyon sure na kakayanin mo dn. pray ka lng lagi. god bless mommy
Magbasa pa