Fever

Hi mommies! Sino na po sa inyo nakapagpa turok ng anti-tetanus? Nilagnat din po ba kayo? Tinurukan kasi ako nun nung Friday, then ngayon Sunday nilalagnat ako. And masakit pa din yung braso ko na tinurukan, mabigat na parang binugbog yung feeling. Ang hirap, ayaw ko talaga ng lagnat. ??

137 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I hot compress mo lang momsh. Di naman ako nilagnat nun, nahilo lang. Medyo ngalay nga yung pakiramdam pero try mo hot compress para mawala agad

VIP Member

di naman ako nilagnat nung tinurukan ako ng anti tetanus vaccine, nanghina lang yung braso ko na tinurukan nung nagbubuntis ako hehehe.

Kaka turok ko lang nung sabado. Until now masakit pa din. Kagabi parang nilalagnat ako, buti mawala lagnat ngayon. Pero masakit pa din

VIP Member

ihot compress mo...ako kasi fanun ginawa ko...tho mabifat pa din yung feeling atkeast nabawasan yung sakit saka yung pninigas ng braso

sa 2nd baby ko momsh . bumigat po pakiramdam ko ng ka sinat din po ako pero eventually nawala din . pero yung bigat ng turok andun pa

Baka dimo hinot compress kaya masakit yung braso mo lagyan mo ng bimpo na binabad sa mainit na tubig yung turok mo. Kasi namumuo yan

VIP Member

Tinurukan ako momsh pero hindi nilagnat. Pero ilang days masakit yung braso ko na tinurukan at yes parang ngalay yun feeling

Ako hindi nilagnat. Masakit at mabigat lang talaga s braso. Pero normal lang daw po lagnatin pag nagpaturok ng anti tetanus

2x na ako naturukan momsh pero di nman ako nilagnat tapos yung bigat ng kamay eh 1 day lang nawawala na ganon sakin momsh.

sakin maskt lang sya ng 3 days nun pero ndi nmn ako nilagnat. yun ung ipinapasalamt ko panay warm compress lang gngwa ko.