Mommies, share nyo naman yung experiences nyo sa pag-lalabor! Ilang oras kayo nag-labor bago kayo manganak?
Nag start labor ko June 20 at 11 am sumasakit na yung tyan ko pero tolerable pa naman.. That day hindi ko na pinapasok si hubby sa work at dahil tolerable pa we decided to go to the mall at dahil gusto ko din bumili ng aircon pero nung nasa mall na kami sumasakit na yung tyan ko at may contractions na every 3 to 5 mins so we went home.. i stayed at home and decided na dun nalang maglabor dahil walking distance lang naman ang lying-in where i decided na manganak. My hubby comforted me at nanjan siya para mabawasan pain na nararamdaman ko, lahat ng pain management ginawa na namin i didnt sleep the whole night dahil tuloy tuloy ang contractions.. June 21 at 11am nag decide na kaming pumunta sa lying-in and im already 3 cm that time, every hour 1 cm ang na a add until past 7 pm na at crowning na si baby boy ko.. nung palabas na siya nahirapan akong umire dahil hindi ako marunong, hindi ko na iapply ang mga prenatal exercises ko iba pala pag nasa active labor kana talaga.. kahit mag deep breathing nalilimutan ko sa sobrang sakit, until 7:50 pm lumabas na si baby at agad nilagay sa dibdib ko skin to skin contact kami after siya linisan ng midwife.. im so happy that time na the pains i never felt before turned to instant joy.. i saw him agad and was able to hug him.. he is my first babyππ Thanks God we are safe.. Dun nga pala ako nanganak sa lying-in dahil healthy naman ang pregnancy ko and no complications, wala din pala kami binayaran sa lying-in dahil government siya at libre panganganak dun so nag donate nalang kami at nagpakain..malinis naman dun at mababait sila
Magbasa paHigh tolerance kasi ako sa pain, kaya hindi ko masabing nahirapan ako. Naglabas ako ng water around 4 am, yung 1st hospital na pinuntahan namin nasa 4cm na ko. Lumipat kami ng hospital, pagdating namin dun nasa 6cm na ko.. Pinasok nila ako sa delivery room around 7am, dun lang sumakit every 3mins..pero kaya pa din ung sakit..inhale exhale lang ako. Nakaidlip pa ko, nagising na lang ako dami nang tao sa delivery room. Tapos sabi ko, i need to stand kasi nangangawit na ung hita ko tsaka balakang. Sabi nila, andyan na yun baby.. Kaya sabi ko wait lang, hinga akong malalim. Then, ganun nga ginawa ko.. Hinintay kong mag contract ung tummy ko, huminga ako ng isang malalim, inire ko sya hanggat hindi sya nalabas hindi ako huminga.. 9:07 am lumabas si baby ko. ππ
Magbasa pawala ako ma.share, kase di ako naglabor. pumutok lang agad panubigan ko bandang 3am . e 1st time ko, so tumawag pa ko sa nanay ko para magtanong kung anu ung lumabas saken kse di nman ako naiihi . tuloy tuloy lang ung tubig kahit anung pigil ko . so dun ko nalaman na panubigan na pla un . e wala nman ako nararamdaman na masakit saken (kase sabi nila pag manganganak na daw, malalaman kse magli.labor) so kahit in laws ko di din alam kung pupunta na ba kme sa ospital or hintayin pa may sumakit sakenπ so nagdecide nlang kme na pumunta ng ospital . so ayun 3cm na pla ko. wala akong dalang gamit namen ni baby πππ kse kala ko check up lang π π π
Magbasa paNagstart ako maglabor mga 330am and gave birth at 1:43pm. I can say na naenjoy ko yung paglelabor maybe because I have a doula. Kahit na humihilab yung tiyan ko the whole morning, nagawa ko pa magnap. It helps din na sa bahay ako naglabor kasi I can stand, sit or do any position na comfortable ako. Nagpunta lang kami hospital around 12noon and I think I was already 7 or 8cm that time. Doon lang ako medyo nahirapan na kasi pinahiga na nila ako sa bed. Tapos nilagyan nila ako ng epidural na hindi naman nageffect kasi I can still feel the same pain and much more pa as it progresses.
Magbasa pamagkano po epidural?
On and off ang labor ko for two days. I couldn't sleep nor eat. Nagsusuka ako hanggang nagsuka ako ng dugo kc wala n akong maisuka. Ayokong mahiga sa kama dahil sobrang sakit. Gusto lang nakaupo ako o nakatayo. Then my bag of water broke Sunday at 10am. Push ako ng push for two hours until they decided for an emergency operation due to fetal distress. Nung inaahit tiyan ko for CS preparation. Sobrang sakit parang humihilab, tinutulak ko kamay ng midwife. Hanggang nakahiga ako sa operating table. Akala ko mamamatay na ako. π
Magbasa paInduced po ako. 6hours po yung labor ko. Nung nag5cm na po ako, pinapunta na po ako sa delivery room. Nung nasa delivery room na po ako, tuluy-tuloy na po yung pag-open lalo ng cervix ko hanggang sa naging fully dilated na. Super sakit po ng induced pero mas mabilis po mag-oopen ang cervix mo. Sa case ko po, mas mabilis pa po sana sa 6hours labor ko kung di po binawasan yung nilagay sa private part ko kaya lang sobrang sakit po talaga nung naging labor ko at halos magmakaawa na ako sa kanilang lahat na sana makaraos na ako.
Magbasa paOh no, how I wish I could share some experiences about labor before giving birth, Kaso scheduled CS ako sa 2 pregnancies ko due to my asthma. But according to a lot of feedback from my friends, syempre mahirap at masakit talaga. It took them several hours, ung iba nga more than a day pa ung labor, pero in the end nauwi din sa CS. iba-iba naman ang case depending on the status of the mom and baby. Regardless if it's normal or CS delivery, we moms pray for a safe and healthy baby.
Magbasa paOMG,my labor experienced,ito na ang pinakamasakit na naramdaman ko.as in suvrang pain talaga Hindi naaalis kahit may ininjection sakin na pain reliever.at 14hrs Ako naglabor.super akala ko mamatay na Ako pero Sulit naman pag nakita mo na ang pinakahihintay mo ang pinaghirapan mo sa loob ng 9mos.at yun ay gift from God.
Magbasa paPromo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-16376)
In my 1st pregnancy 4 hrs of labor, ngpunta kme hospital 6cm nq.. Then mya onte 8cm n linipat nq s delivery room nanganak nq :) sna mbilis dn s 2nd pregnancy q.. πππ
Lovely A. S.