Mommies, share nyo naman yung experiences nyo sa pag-lalabor! Ilang oras kayo nag-labor bago kayo manganak?

Nag start labor ko June 20 at 11 am sumasakit na yung tyan ko pero tolerable pa naman.. That day hindi ko na pinapasok si hubby sa work at dahil tolerable pa we decided to go to the mall at dahil gusto ko din bumili ng aircon pero nung nasa mall na kami sumasakit na yung tyan ko at may contractions na every 3 to 5 mins so we went home.. i stayed at home and decided na dun nalang maglabor dahil walking distance lang naman ang lying-in where i decided na manganak. My hubby comforted me at nanjan siya para mabawasan pain na nararamdaman ko, lahat ng pain management ginawa na namin i didnt sleep the whole night dahil tuloy tuloy ang contractions.. June 21 at 11am nag decide na kaming pumunta sa lying-in and im already 3 cm that time, every hour 1 cm ang na a add until past 7 pm na at crowning na si baby boy ko.. nung palabas na siya nahirapan akong umire dahil hindi ako marunong, hindi ko na iapply ang mga prenatal exercises ko iba pala pag nasa active labor kana talaga.. kahit mag deep breathing nalilimutan ko sa sobrang sakit, until 7:50 pm lumabas na si baby at agad nilagay sa dibdib ko skin to skin contact kami after siya linisan ng midwife.. im so happy that time na the pains i never felt before turned to instant joy.. i saw him agad and was able to hug him.. he is my first baby😍😘 Thanks God we are safe.. Dun nga pala ako nanganak sa lying-in dahil healthy naman ang pregnancy ko and no complications, wala din pala kami binayaran sa lying-in dahil government siya at libre panganganak dun so nag donate nalang kami at nagpakain..malinis naman dun at mababait sila
Magbasa pa

