Baru-Baruan Reco

Hello mommies, saan po kayo bumili ng baru baruan (tieside,snap,onesies) for newborn? Kung sa mall po anong brand, kung sa shopee po or lazada pashare naman. Thank you momshiee

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Shopee lang yung mga 30pesos each. Suggestion lang, wag ka na bumili ng branded na mahal. Bili ka nalang ng mas madami pero mura. Yes mabilis kalalakihan, pero nakakaumay mag laba ng mag laba if onti lang bibilhin mo. Maya't maya ang palit pag newborn, pag nalungaran, nag leak wiwi, etc. Also, iayon mo sa weather at kung iaaircon mo ba lagi si baby ung bibilhin mo if longsleeves ba o sando o short sleeves.

Magbasa pa

bumili ako sa online/shopee.. nag take advantage sa mga voucher. einmilk - bath towels baru baruan - meteor (mas mura dito and ganda din naman quality), lipton, st patrick, cotton stuff. mittens and booties - lipton receiving blanket - lipton, 1 pc lang binili ko. muslin cloth - sage and river, mas okay to kasi mas malaki and breathable.

Magbasa pa

Tiny Tummies, St. Patrick and Cotton Stuff po ako bumili ng ipasusuot kay baby pag labas nya mga set ng mga Tiesides, mittens, cap at booties. Ang ganda po ng mga tela cotton and hindi kanipisan. Lalo na November baby ito, mejo cold weather non so sakto lang na makakapal ung nabili ko ☺️☺️☺️

if you're in a Budget but looking for a cotton quality official store ng lucky cj legit nakabili na ko sakanila maganda quality ng tela cotton talaga. pero if keri naman ng mejo mahal highly recommended st Patrick, cotton stuff, cotton central, or enfant

sa mall eto pero sa shopee ako nakaavail : Enfant, Tiny Tummies, St. Patrick and Bebe by SoEn yan po magaganda quality🥰 if gusto niyo mas affordable madami naman po sa Shopee magaganda din at kung branded naman madalas may sale...

10mo ago

Same quality naman po siguro pag sa online bumili nung mga brand like Bebe by soen diba po? Sa first born ko po kasi sa sm tas ngayong preggy po ako sa second nagcheck po ako online and mas mura po ata kahit branded gaya nung sa soen nga po

mi,sa shopee mayron dun, mas mura..magandang quality, at mas bigger size pa mga baru baruan nila.at complete set lahat kaysa sa iba.trust me ..send ko pict ng shop.tignan mo nalang mi..makapal tela dito nga barubaruan..

Post reply image
8mo ago

dito rin ako bumili ng tiesides na set sa beba baby..gnda po ng quality.and ngdagdag lng din ako ng longsleeves and pajama since taglamig ako mnganganak lucky cj ung dinagdag ko n brand.mgnda rin po quality at affordable pa😊

baru-baruan sa tiktok ako nag order 2 sets na. yung mga onesies sa online ako kahit walang brand, ung ibang frogsuit sa SM, yung mga receiving blanket and towel sa cotton central. ganda ng tela, affordable pa.

divisoria po sa khaye khaye online sa may 168 1,300 po set na nabili namin tig 6pcs pajama, mittens, booties, tie sides na long sleeve, short sleeve saka sleeveless pati lampin at pranela pati bonnet.

kung sa shopee ka bibili mii, ok ung lucky cj. mas decent amg kapal ng tela nya. unlike dun sa ibang mura na nkaset na na walang brand, manipis ung tela. malapit na mag see-through.

sa shopee lang ako namili ng baru-baruan.. ung naka set na tig 3pcs lucky cj brand. makapal naman tela mi, cotton sya talaga. di ko ginastusan masyado kasi saglit lang naman magagamit.