Water

Hi mommies! Pwede po ba painumin ng water ang 27 day old baby?

70 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO

Magbasa pa
TapFluencer

Pwd basta may advice ng pedia 2mos. si lo ko nung pinainom ko sya distilled water pero hangang 1ml lang sa sobrang init kasi ng panahon nadedehydrate din kasi sila. Ebf si lo ko after nya uminom ng vitamins dun ko sya papainumin ng water. 4 mos. na si lo ko ngayon ok nmn sya, active, malusog at sobrang daldal na nya😇😊

Magbasa pa

Kkagaling ko lng ng pedia pwde dw po KUNG formula / mixed feeding c baby. Sip lang nman at hnd m nman lulunurin ang anak mo ng water. Kung pure breastfeed nman sya cgro un ung hnd na need ng water. Minsan kc super hirap magpoop ang baby pag walang tubig 1ml after ng formula milk will do.

Ako mula baby anak ko pinapasip ko n sya ng water cgro 1-2ml after magformula. Hnd nman sya na water intoxicate. Super tigas kc ng dumi nya at hirap na hirap umire nung hnd ko sya bnbgyan ng water. Ngayon malaki na sya wala nman ngyare masama sknya ☺️☺️🥰😅

Please don't. No. No. To water muna, pag 6 months above pwede na kase pwede magka water intoxication kase di pa Kaya ni baby itolerate ung water balance ng body nya. It can lead to death.

Sabi ng pedia ng baby ko if nag formula feed po si baby better na pa sip kahit konting tubig para ma flush yung formula milk, iwas lungad and mas ok yung poop

I’ve been to one of the Parenting Emporium workshop, sabi ng isa sa mga speaker no need to give your baby water if continuously given sya ng breastmilk.

ѕaвι ng pedιa ĸo pwedeng paιnυмιn pwede dιng нιndι .. panganay ĸo тυвιg тlga aғтer dυмede ѕĸn ..

5y ago

тroт .. naтawa nga pedιa ĸo nυng ѕnaвι ĸo υng ѕaвι nla вawal dao po e .. ѕyeмre dropper2 lg llυnυrιn мυdιn вa anaĸ мo ng тυвιg .. внala ѕla ĸυng ayao nla ĸanya2 nмan тaυ нeнe 😁

Nakakatwa naman ung mga nag No. ako ilan n anak ko lahat pnpainom ko ng tubig nung baby buhay n buhay sila lahat ngyon

VIP Member

6 months pa po sya pwede pa inumin. Pa dedehin mo nalang mamsh kasi considered water na rin naman po ung milk.