LONG POST
Hello Mommies! Please please please don't judge me! Gusto ko lang ilabas nararamdaman ko. I'm married na, may anak na kami. Ftm. Way back, nung magkakilala kami ng husband ko, im a broken hearted, as in durog ako. Sobra! LDR kami ng ex ko. Then nagkaloko loko na buhay ko simula nung umalis ex ko going abroad. Di ko pa alam non akala ko pinsan nila kasma niya sa mga pictures niya, and suddenly nakakaramdam na ako lagi sila magkasama magkatabi sa pictures. So ayun nahuli ko sa chat na meron something sa kanila. Then cool off, tapos di ako nakatiis kasi mahal ko sabi ko okay lang kahit malayo kami basta bumalik na kami sa dati kahit na mahirap sa part ko. Pero sabi ex ko ayaw na daw niya. So ayun tinigilan ko na. Nagkanda loko loko na ako, i have this friend (boy) na sobrang napapasaya niya ako. As in sobra yung tawa ko sa mga jokes niya and ayun nafall na kami sa isat isa. Knowing meron siyang family. Sa akin ayaw ko mafall pero si boy lagi nagiinsist na di niya na mahal asawa niya kasi anak na lang talaga. So ako broken parin napapaniwala talaga niya ako. So ayun itong friend ko nagkarelasyon kami sobrang seloso pala niya ayaw ako lumapit sa ibang boy. Kumakawala na ako talaga dahil mahal niya ako, masaya siya sa akin, magpapa anal na daw siya. Sabi ko ayoko na sakanya. Wag niya gagawin yun kasi pamilyado na siya, sabi ko pakawalan na niya ako. So ayun nagabroad sila magasawa. Tas lagi pa rin siya nagmemessage sakin, na mahal niya ako. Ako wala na di nanako nagparamdam. So ito nakilala ko husband ko kawork ko rin siya same company kami, alam niya lahat ng kwento ng buhay ko. Siya nakabuntis sakin, pinakasalan at ibinahay na niya ko since may bahay naman na siyang sarili. So ito na after ko na manganak naging parang napariawara na husband ko sobra, ultimo maliit na bagay iuutos ko sakanya cs ako mga mommies pero parang pinababayaan niya ako. Nastress ako sobra sa kanya biruin mo momsh wala pa ako 2 months na back to work na ako kasi dami utang sa cs ko. Huhu grabe. 6 months na ako nagtitiis sa ugali niya unlike nung buntis ako super asikaso niya ako momsh. Pinagluluto sa umaga,siya naglalaba lahat ng gawain. Ngayon momsh ako nagaalaga sa anak namin kahit kakapanganak ko, lately lagi lang siya tulog phone lagi hawak, yung nakuha ko sa sss ko sa utang lang niya napunta lahat tapos ganon pa siya sa akin. Sobrang sama na ng loob ko momsh, hindi na nga siya nagbibigay sakin ng pera tapos ganun pa siya sa akin. Kinausap ko siya kapag di pa siya nagbago iiwan namin siya ng anak ko, sabi ko hindi ko siya tinatakot pero sinasabi ko lang kung ano kaya kong gawin! Pero still mga momsh ganun pa dinsiya. So ito na nga final concern ko. Lately lagi ako napapaisip na ano kaya buhay ko kung di ako nabuntis, dont get me wrong mommy, Im happy having my cute little girl. Napapaisip lang sigiro ko kasi nahihirapan na ako. Then lagi ko naiisip yung ex ko na nasa abroad lagi siya sumasagi sa isip ko pero binubura ko kaagad kasi feeling ko cheater ako kapag ganun napapailing ako ng mabilis kasi ayoko maalala, at ayoko talaga maging broken family kami. Pero momsh kahit panaginip ko sinasabi niya mahal niya pa ako. Kahit may baby ako tatanggapin niya ako. Pero kapag nagising ako sabi ko ayoko na magkalalaki sa buhay ko kung sakali magkahiwalay kami ng hubby ko. Less stress. Peeo ayun nga momsh napapastalk na tuloy ako sa ex ko nakikita ko pa mga posts namin dati mga videos namin na slideshows huhu. Bakit ganito dahil ba nafifeel ko sa asawa ko na di na ako mahalaga sa kanya. Saka feeling ko ako lang nagwowork dito. Huhu feeling ko ako na lang magisa na naman ? Mommies I need you. Im broke again. ?? What should I do? Nahihirapan na kasi ako sobra. ???
Please dont judge me.
No hates please kamommies. ?