Share ko lang nararamdaman ko.

LONG POST Hello Mommies! Please please please don't judge me! Gusto ko lang ilabas nararamdaman ko. I'm married na, may anak na kami. Ftm. Way back, nung magkakilala kami ng husband ko, im a broken hearted, as in durog ako. Sobra! LDR kami ng ex ko. Then nagkaloko loko na buhay ko simula nung umalis ex ko going abroad. Di ko pa alam non akala ko pinsan nila kasma niya sa mga pictures niya, and suddenly nakakaramdam na ako lagi sila magkasama magkatabi sa pictures. So ayun nahuli ko sa chat na meron something sa kanila. Then cool off, tapos di ako nakatiis kasi mahal ko sabi ko okay lang kahit malayo kami basta bumalik na kami sa dati kahit na mahirap sa part ko. Pero sabi ex ko ayaw na daw niya. So ayun tinigilan ko na. Nagkanda loko loko na ako, i have this friend (boy) na sobrang napapasaya niya ako. As in sobra yung tawa ko sa mga jokes niya and ayun nafall na kami sa isat isa. Knowing meron siyang family. Sa akin ayaw ko mafall pero si boy lagi nagiinsist na di niya na mahal asawa niya kasi anak na lang talaga. So ako broken parin napapaniwala talaga niya ako. So ayun itong friend ko nagkarelasyon kami sobrang seloso pala niya ayaw ako lumapit sa ibang boy. Kumakawala na ako talaga dahil mahal niya ako, masaya siya sa akin, magpapa anal na daw siya. Sabi ko ayoko na sakanya. Wag niya gagawin yun kasi pamilyado na siya, sabi ko pakawalan na niya ako. So ayun nagabroad sila magasawa. Tas lagi pa rin siya nagmemessage sakin, na mahal niya ako. Ako wala na di nanako nagparamdam. So ito nakilala ko husband ko kawork ko rin siya same company kami, alam niya lahat ng kwento ng buhay ko. Siya nakabuntis sakin, pinakasalan at ibinahay na niya ko since may bahay naman na siyang sarili. So ito na after ko na manganak naging parang napariawara na husband ko sobra, ultimo maliit na bagay iuutos ko sakanya cs ako mga mommies pero parang pinababayaan niya ako. Nastress ako sobra sa kanya biruin mo momsh wala pa ako 2 months na back to work na ako kasi dami utang sa cs ko. Huhu grabe. 6 months na ako nagtitiis sa ugali niya unlike nung buntis ako super asikaso niya ako momsh. Pinagluluto sa umaga,siya naglalaba lahat ng gawain. Ngayon momsh ako nagaalaga sa anak namin kahit kakapanganak ko, lately lagi lang siya tulog phone lagi hawak, yung nakuha ko sa sss ko sa utang lang niya napunta lahat tapos ganon pa siya sa akin. Sobrang sama na ng loob ko momsh, hindi na nga siya nagbibigay sakin ng pera tapos ganun pa siya sa akin. Kinausap ko siya kapag di pa siya nagbago iiwan namin siya ng anak ko, sabi ko hindi ko siya tinatakot pero sinasabi ko lang kung ano kaya kong gawin! Pero still mga momsh ganun pa dinsiya. So ito na nga final concern ko. Lately lagi ako napapaisip na ano kaya buhay ko kung di ako nabuntis, dont get me wrong mommy, Im happy having my cute little girl. Napapaisip lang sigiro ko kasi nahihirapan na ako. Then lagi ko naiisip yung ex ko na nasa abroad lagi siya sumasagi sa isip ko pero binubura ko kaagad kasi feeling ko cheater ako kapag ganun napapailing ako ng mabilis kasi ayoko maalala, at ayoko talaga maging broken family kami. Pero momsh kahit panaginip ko sinasabi niya mahal niya pa ako. Kahit may baby ako tatanggapin niya ako. Pero kapag nagising ako sabi ko ayoko na magkalalaki sa buhay ko kung sakali magkahiwalay kami ng hubby ko. Less stress. Peeo ayun nga momsh napapastalk na tuloy ako sa ex ko nakikita ko pa mga posts namin dati mga videos namin na slideshows huhu. Bakit ganito dahil ba nafifeel ko sa asawa ko na di na ako mahalaga sa kanya. Saka feeling ko ako lang nagwowork dito. Huhu feeling ko ako na lang magisa na naman ? Mommies I need you. Im broke again. ?? What should I do? Nahihirapan na kasi ako sobra. ??? Please dont judge me. No hates please kamommies. ?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tingin ko. Dahil pa yan sa hormones mo. Kaya naiisip mo pa si ex. At dahil naging pabaya si hubby. 1. Erase mo na si ex. ❎ na nga kasi. 2. Communication. Kausapin mo ng masinsinan si hubby. Kung anong nangyayari sa relationship nyo bilang mag asawa. Bakit nun buntiska super asikaso, ngaun na kailangan mo din ng asikaso dahil cs ka. Mas kailangan mo sya kamo ngaun. 3. Love your baby. Love yourself. Alagaan mo din sarili mo. Love your hubby kahit ganun. Dba for better or for worst. Wag na muna sa hiwalayan ang usapan. Baka kasi may mga concerns din si hubby mo sayo. Saka puyat din db, kakaisip, kaka alaga. Pag tulog si baby, sabayan mo din ng sleep. Paaraw kayo ni baby para mawala ang bad energy. (6:30am-7am) sama mo na din si hubby. Hehe. Talk to your family and friends. Pra di ung Ex mo nasagi sa isipan mo. 3. Pray. Mag thank you kay papa God, kausapin mo sya, lahat ng gusto mo sabihin oara gumaan ang loob mo. Pag pray mo asawa mo na bumalik na sa dati. Baka stress din kasi. Kamo, mag linis ng bahay. Hehe. 🤣para lumabas ang bad vibes.

Magbasa pa
5y ago

Thank you mommy sa advice. Gonna talk to him again. Para sa baby namin. Di ko na rin aalalahanin ex ko momsh, di ako papadala sa mga panaginip ko aboit sa kanya. Siguro Postpartum depression ko to. Salamat ulit mommy. Love love po.🥰❣️

VIP Member

Sis, i feel you. Though we don't have the same story kasi sa ex bf ko yun narananasan. Pero kasi tayo mga babae pag hindi natin nakukuha yung pagmamahal at pag-aalaga na gusto natin may longing tayo na makukuha natin ito sa ibang lalaki. Kaya siguro naaalala mo yung ex mo. Pero careful ka lang sis kasi tayong mga babae pag broken tayo dyan tayo mas pinaka-vulnerable so there is always a tendency na hindi na natin naiisip kung ano magiging consequences ng actions natin. For me, the best you thing you can do about it is to take a break sa mga bagay na nagbibigay stress sayo. Kung kailangan mo lumayo sa asawa mo gawin mo. Focus your positive energy sa anak mo. Kailangan ka ng baby mo na buo kaya wag mo pabayaan sarili mo na mawawasak lang.

Magbasa pa

Sis, baka hormones pa yan. Don 't dwell on the feeling na kawawa ka kasi mas madedepress ka. Kung after mong kausapin ang asawa mo at wala pa ding nangyari, live as if wala siya. Siyempre aasikasuhin mo pa din siya pero simulan mo na na hindi ka na magrerely sa kanya. Para bang simulation or practice na kapag iniwan mo na siya e hindi ka na mahihirapan. I am sure pag na realize niya na you can do w/o him e magbabago yun. Pero kung hindi pa din magbago at feeling mo kaya mo na, totohanin mo na. Layasan mo. As for your ex and what ifs, the grass is always greener at the other side of the fence. Huwag mo ng gawing mas kumplikado ang buhay mo lalo na at may maliit na buhay na ang pwedeng madamay.

Magbasa pa
VIP Member

Mamsh, kausapin mo nalang muna si hubby. Sabihin mo na kailangan mo siya ngayon lalo na may baby kayo tapos ikaw pa nagwwork. Tanong mo sakanya kung ano problems niya, bakit parang wala siyang gana tumulong sayo alagaan si baby at bumuo ng magandang future. Baka kasi may dinadamdam din siya or sa ibang way niya pinapakita yung help niya ng hindi mo napapansin. Usap kayo ng schedule ng pagaalaga para pareho kayo may participation kay baby. As for your ex, hayaan mo na. Malungkot ka lang at pagod, mommy. Wag mo na dagdagan ang ikakastress mo. Tsaka malamang masaya na sila ng asawa niya.

Magbasa pa
5y ago

Thank you po Mommy sa advice. Godbless po. 😇

Annul hindi anal 😣

5y ago

Ay perfectionist momsh?

Up