What should I do

September 2018 nung magkakilala kami ng husband ko then we both decided to get married. I married him last November 2018 po, not pregnant pa po ako that time. I got pregnant last February and 24 weeks now. ❤️ So my husband has an ex, almost 4 years ang tinagal nila but both decided to end their relationship May of 2018 cause of LDR. Nung dumating po ako sa buhay ng asawa ko andami po nang away sa akin, pati sister in laws ko. They don’t like me. Mabait po ako, it’s just that hindi nila akoa gusto sa brother nila kasi yung ex niya ang gusto nila. But ipinaglaban ako ng husband ko. Wala silang nagawa kasi akoa talaga pinili ng husband ko. Me and my husband don’t share our fb accounts po with each other. But kanina po nanghingi po ako kanina sa husband ko ng password niya sa fb for the first time. And then sadly may nakita ako dun. Last march minessage niya ex niya sabi, “In-unfriend kita my kasi nakita niya.” My husband and his ex used to call each other, “mamay” or “my”. We had an argument kasi last march about sa ex niya, kasi in add siya ng ex niya sa fb tapos galit na galit ako nung makita ko, ipina unfriend ko. Not in good terms kami ng ex niya but di rin kami in bad terms. It’s just that she posted a confession about her love story with my husband and how they ended it. It was a one-sided story, kaya ang mga tao ayun galit na galit na naman sa akin, kung hindi daw ako dumating sa buhay ng asawa ko sana sila pa rin daw. The ex even said there na she tried na pigilan asawa ko into marrying me, but my husband chose me. Ndi ko alam nag chat pala siya at that time sa ex niya. Hindi rin naman siya sineen. Ang ikinasasama kasi ng loob ko po is bakit yun parin yung tawag niya sa ex niya. Kayo po, ano po magiging reaction nyo pag sa inyo tu nangyari. Edit: Ngayon po no communication na sila ng husband ko. Yun po yung last. Edit again: As of now, okay na kami ng husband ko hehehe naka move on na sa pangyayaring ito. Thank you sa lahat ng nag comment. Hindi na nag explain sa akin si hubby basta past na daw yun. So far so good wala na naman kaming issue sa mga exes niya. Sinusunod na din nya ako ngayon palagi, ako na lagi yung batas hehehe Yun nga lang yung current boyfriend ng ex niya ngayon palaging chinachat yung husband ko, insecure ata. Minsan nagchachat pa sa akin, hindi pa rin siguro sila nakakamove on. But me and my husband is going strong, I’m 30 weeks pregnant na rin guys, malapit na namin ma meet si baby girl Ysabelle namin! Hehehe lilipas din ang galit na mararamdaman natin tlaga, time will heal everything, di na ako ngayon galit kay hubby ??? ???

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sis be strong ipaglaban mo yung pagibig mo. huwag natin ipamigay ang mga mahal nnatin at ipakita at iparamdam natin sa kanila na hindi ka kaiwan iwan at kapalit palit. wala tayong kapantay na ibang babae kahit may my, mhie, baby,honey pa syang tawag na iba. pwede mo naman kausapin si hubby mo sis tungkol sa nararamdaman mo at kailangan may assurance ka na wala ka dapat ipag alala.. talk to him in a nice way. ganun ginawa ko kay hubby nung nagcheat sya sa 2xakin. in the end, sa akin sya umuwi, ako pa din pinagsisilbihan nya til now. wala na kmi issues dyan kasi sabi ko sa kanya di mawawala sa bibig ko magtanong tungkol sa nagpabagabag sa akin. he answered politely naman. sana ganun din sau sis. pray pray pray everything will be okay, huwag masyado magigil, preggy tayo sobrang emosyonal.

Magbasa pa
VIP Member

Bakit my ang tawag niya sa girl? Myleen ba or something ang name niya or term of endearment? Anyways po kung alin man dun baka kasi nasanay na siya na ganun ang tawag at di comfortable na buong first name tawag sa kanya. Kung wala naman na pong communication si hubby with her okay na po iyon. And wag niyo na lang isipin ang mga sinasabi ng ibang tao kung alam mo sa sarili mo na wala ka namang maling nagawa. Hayaan mo sila, wag kang magpatalo at maging insecure sa kanila. Maswerte po kayo at mahal kayo ng asawa niyo at pinagtatanggl ka niya. Dwell on positive thoughts lang momsh.

Magbasa pa

Ang sakit. Pero nasa husband mo un - dapat siya na ang tumigil sa pagcocommunicate sa babae. Kasal kayo. Just want to share na ang hubby ko kahit di pa man kami kasal, unfollow niya at block pa ang ex niya. Nagpalit na sya ng fb yet nagfriend request ang babae, di niya confirm. And todo iwas siya sa mga girls para di kami magkaproblema. Dapat ganyan din gawin ng asawa mo since kasal kayo at di na dapat pang balikan un. Nasa asawa mo po ang pag effort na layuan ang ex nya.

Magbasa pa

pray k lng sis.. everytime n may doubt ka or any negative feelings unahin mu muna si god isipin. kc once na kineep mu yan sa sarili mu pra k nrin nagtanim ng galit sa knla..tska wla nman ng communications ung asawa mu at x nya eh so be it pra sa ikakapanatag ng loob at relationship nyo.

Basta don't compare your self to her minsan kasi darating ka sa lowest mo and maiisip mo yung ex nya for no apparent reason, always remember na ikaw ang pinili at sayo sya masaya ngayon. Praying for the both of you 🙏 salot talaga yang mga atribidang exes na yan eh. Hahaha

Ikaw ang pinili at pinakasalan. Panghawakan mo un. Pag usapan nyo din un para alam ng asawa mo na it bothers you kesa kimkimin mo at kung ano ano maisip mo na makakastress sayo. Masama un sa buntis. Have an open communication with your husband

VIP Member

Ako din sis syempre magagalit tsaka masasaktan, lalo't preggy, sobrang emotionally natin. Sana si mister nalang yung umiwas.

Wala akong masabi kundi sana maging maayos ang lahat. Mararamdaman mo naman yan pag may di maganda eh. Alert ka lang.

VIP Member

cqro nasanay lanq xa s 4yrs. n tinaqal nila naqinq comportable xa s qanunq twqan nila ..

Sana maging okay na lahat.