Hi mommies. Pashare lang kase di ko na alam din gagawin ko o gusto ko ding mailabas to.
I'm 23 yrs old and 12 weeks pregnant. Working din ako kaya nagbibigay ako sa parents ko tuwing sahod. Unfortunately, di pa ko regular at sa dec pa malalaman yun. May problem din sss ko kase di iupdate update ni employer ko. Baka mauna pa kong matanggal di na maayos yun delikado pa mat2 ko. Tapos, di ko din alam san kukuha ng extra pag hanggang Dec na lang ako eh May pa ko manganganak. Isa pa, nagdown ako sa bahay dati para sana sa parents ko. Papa ko kausap nung ahente. Ngayon, walang bahay, di pa binalik lahat ng dinown. May 11k pa don. Sinabe ko sa tatay ko ireklamo na at mag iisang taon na yun. Ipatulfo ganon. Sabe nya lang lage sya bahala. Lahat yun inoopen ko sa parents ko, hoping na maintindihan nila. Kase kung ang gastos saken lang o sa vit ng baby, nag aabot naman bf ko.
Di naman ako kinukulang ng binibigay sa kanila kahit tumataas expenses ko (laging gutom sa office, di na naglalakad, bili ng gatas, ganon). Ang problema, isang linggo pa lang pagkabigay ko ng pera, kulang na agad sa kanila. Uutang agad after a week. Tapos pag di binigyan, di ka papansinin sa bahay o pag iinitan ka na sisigaw sigawan, o magchachat sayo na napakasama mong anak. Nakakastress, nakakaiyak. Hindi nila nakikita yung binibigay ko, di nadidinig yung daing ko, di pinapansin yung nararamdaman ko. Pano ako pag nagpamilya. Pano pag yung savings naubos na sa utang nila bukod sa binibigay pa. Di naman ako nagkukulang eh. Pano ako makakabukod at magpapamilya kung sa binibigay ko pa lang ngayon kinukulang na sila at parang kasuklam suklam na ko kung magsalita sila. ???