Pasaway Na Buntis

Mommies pa help po, ano po sobrang sakit po kase ng tagiliran ko na parang hinihiwa sa kirot. Kagabi kase naubusan kami ng tubig ang nainom ko tuloy isang baso ng softdrinks sa sobrang uhaw ko. Tapos nagkalkal ako sa bag ko may kalahating bote pa ako ng tubig ng mineral pero di enough yun. Patulog na ako pero uhaw na uhaw pa rin ako. Pag kagising ko nalang kaninang umaga ihing ihi ako and masakit na yung tagiliran ko. Medyo madilaw yung ihi pero nung ihi na ako ng ihi luminaw linaw naman na. Pero yung sakit ng tagiliran ko is andun pa din hanggang ngayon. UTI na ba talaga po ito? I'm 34 weeks now sana di naman masyadong makaaffect kay baby yun. πŸ˜₯

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Inom lang po ng inom ng madming tubig, mawawala din Yan. Saka po buko.