MALIGALIG SI BABY

Hi mommies out there! I need help/advice po. 5 months na po si lo ko ngayon at sobrang ligalig niya po. Kahit inaantok na ayaw niya matulog. Pero pag nilalabas ko siya tumatahan na po pero panay ang kuskos sa mukha (sign na inaantok siya) since newborn nan optipro (blue) milk niya until netong 5 months siya pinalitan ng pedia niya ng NAN HW milk niya because of her eczema. Pansin ko lang since NAN HW milk niya sobrang ligalig niya panay ang iyak. Lagi ko naman chinicheck kung puno na ang diaper or may poop, lagi ko siya binibigyan ng dede hindi ko pinipilit pag ayaw niya. Lagi din siya nakatutok sa fan dahil hindi siya pwedeng mainitan. Due to her milk po kaya siya maligalig or nag iba lang ng mood si baby? Okay naman po ang poop ni baby mapa NAN HW or NAN (BLUE). Everyday nagpopoop si baby at minsan 1 day lang pagitan. Medyo sticky lang sa NAN HW.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka overstimulated siya. Avoid exposing him/her sa gadgets, toys na madaming lights/sounds. Yung mga babies may window period lang din sila na awake sila, pag lumampas na sila dun, mas mahirap na sila patulugin. At 5 months 2-3 hrs lang yun.