Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of 2 pretty girls
MALIGALIG SI BABY SA IBANG BAHAY
Mommies any advice po? Naexperience niyo na po ba yung umiiyak si baby sa ibang bahay? Everytime dinadala ko si lo sa house ng inlaws ko kasi kahit karga ko na siya umiiyak padin. Ayaw niya pumasok sa loob ng bahay. Yung tipong stranger anxiety hindi ngalang sa tao kundi sa bahay.
BABY FACE MASK
Any recommended face mask for 5 month old baby? And okay po kaya yung ganitong face mask for baby? Feeling ko parang mahihirapan huminga ang baby.
MALIGALIG SI BABY
Hi mommies out there! I need help/advice po. 5 months na po si lo ko ngayon at sobrang ligalig niya po. Kahit inaantok na ayaw niya matulog. Pero pag nilalabas ko siya tumatahan na po pero panay ang kuskos sa mukha (sign na inaantok siya) since newborn nan optipro (blue) milk niya until netong 5 months siya pinalitan ng pedia niya ng NAN HW milk niya because of her eczema. Pansin ko lang since NAN HW milk niya sobrang ligalig niya panay ang iyak. Lagi ko naman chinicheck kung puno na ang diaper or may poop, lagi ko siya binibigyan ng dede hindi ko pinipilit pag ayaw niya. Lagi din siya nakatutok sa fan dahil hindi siya pwedeng mainitan. Due to her milk po kaya siya maligalig or nag iba lang ng mood si baby? Okay naman po ang poop ni baby mapa NAN HW or NAN (BLUE). Everyday nagpopoop si baby at minsan 1 day lang pagitan. Medyo sticky lang sa NAN HW.
BODY PAIN/LOWER BACK PAIN
Mommies, 3 months palang po simula ng manganak ako. Ang dami kong body pain lalo na lower back. Dati ko na problema yung lower back nung hindi pa ko buntis at mas lumala ngayong nanganak nako. Ask ko lang kung sa OB padin ba ako papaconsult since kakaanak ko lang or ibang doktor na? Anong doktor po yung hahanapin ko regarding sa bodypain issues ko?
INLAWS
Hi mommies. Currently living together with inlaws po kami ng asawa ko Nasstress lang po ako dahil tuwing may event ang relatives ng asawa ko kailangan lagi kami kasama. Pag hindi naman po kami sumama nagagalit si father in law. 3 months palang po ang baby ko at hindi pa po ako nakakabawi ng tulog at pahinga. Gusto ko sana every weekend since walang pasok si hubby eh magpapahinga ako. Pero hindi yun maintindihan ng biyenan ko dahil unang apo nila gusto nila laging kasama si baby kaya napipilitan kami sumama. Mommies alam niyo naman po kung gano kahirap magbuntis at mag alaga ng baby. It takes a year bago ka makabawi ng lakas. Pano kaya namin ipapaliwanag ni hubby in a nice way na hayaan naman nila kami makapagpahinga? Sumasama sama naman po kami. Alternate po ang ginagawa namin pero ayaw nila pumayag ng ganung set up.