Please Help!!

Hi mommies out there. 8months and 11days pregnant. First time mom! Nakakainis lang kasi, nagpacheck up ako kahapon at sabi ng OB ko bumalik daw ako nextweek kasi IE'hin na ako. Bale, sabi ng OB ko weekly na ang balik ko sa kaniya for monitoring edi sinabi ko sa Husband ko na ganun. Kasi dito na ako nakatira muna sa kanila, nabisita nalang ako sa bahay namin sa side ko. So, pinagkwentuhan namin kaharap yung Mother-in-law ko, Father-in-law ko at yung Boyfriend(nagtrabaho sa ospital before) ng Ate niya. Bale, private hospital kasi ako nagpapacheck up pero sa Lying Inn ako aanak. So nagulat sila na bakit daw weekly ganun ganun, wala namang issue sa family nila. Mabait naman! Kinakasama lang ng loob ko, sabi nung Mother-in-law at Boyfriend nung ate ng husband ko. No need na daw na weekly bumalik balik kasi aanak at aanak naman daw ako no need na weekly IE. Ito namang Husband ko AGREE agad dun sa sinabi ng Mother-in-law ko na wag na ngang ganun. In short, wag na daw akong bumalik. Ang concern ko, kaya gusto kong bumalik kasi para malaman ko kung OPEN CERVIX na ba ako or what. Imbis kasi na sana kinausap niya ako na kami lang dalwa, hindi yung ganun na AGREE agad siya sa desisyon ng Mother niya. Nakakainis lang!! Ang sama ng loob ko.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganun talaga, weekly na kapag malapit n manganak. Ako 30 weeks na, twice a month n ang check up ko. Iba noon. Sariwa Ang hangin, hindi uso ang instant food, hindi pa laganap ang nakakahawang mga sakit, etc. Ganyan din minsan biyenan ko at si husband kapag nasulsulan. Pero Hindi ako nagpapatinag. They can rant all they want pero sakin parin desisyon sa huli. Just disagree in a polite way. Kausapin mo si husband. Isa pa bakit mo ipagdadamot Yung pag-aalaga sa baby nyo Kung kaya naman gastusan. Okay lang sana Kung talagang walang-wala.

Magbasa pa

yikes. eh weekly naman na dapat pag 8th month. baka concern nila yung virus kaya ayaw nila masyadong kang lumalabas? regardless, it's for baby naman. so explain mo nalang dun kay husband mo na monitoring is really important... not just to see if open cervix na but also to check heartbeat of baby, your BP, etc.

Magbasa pa
VIP Member

tinutulad parin nila sa dating nakagawian ang mga bagay bagay .. iba naman na panahon noon at ngayon. wag kna ma stress mommy. wala tlagang solusyon jan sa sama ng loob mo kundi ilabas mo sa asawa mo .. tsaka nyo pagkasunduan kung anong desisyon nyong pareho.

VIP Member

Explain moh nlng po sa hubby moh.. Ganyan din po kc ang sinabi ng mother in law ko sa husband ko dahil nga weekly so mas magastos.. So ayun inexplain ko sa husband ko nah need yun para mamonitor ko din c baby..

VIP Member

Weekly na tlaga ang check up mommy kapag malapit na manganak para mamonitor tama ka. Like mine weekly nako 37weeks here. Wag kamo silang pakialamero / ra hindi sila ang OB. bakit ma I-IE Kaba nila kung sakali.

4y ago

Nakakahiya nga momshie eh. Kasi husband ko ang nagastos sakin. Nakakahiya bagang umangal, kung may work nga lang ako sana eh di ako papatinag. Kinocompare kasi nung Mother niya yung pagbubuntis sa panahon nila noon. Nakakainis, di ko kinakausap husband ko sobrang sama sa loob😔

Hello po, ganon po talaga weekly na ang check up kapag malapit na manganak ganyan din po ako weekly nag papacheck-up sinasamahan ako ng mister ko para malaman din if ilan cm na or ano :)

VIP Member

Pag manganganak na talaga weekly na talaga ang check up. Kahit saang ospital pa nila tanungin. Necessary po yan kaya magpacheck up ka kahit ayaw nila.

kapag malapit na kasi manganak mas madalas talaga ang check up for monitoring...