Mommies, okay lang ba na damihan ko ang tubig pag mix ko ng formula? Ang mahal kasi ng gatas tapos ang takaw ng anak ko. Tapos kailangan 1 scoop is to 1 ml. Baka naman puwedeng 1 scoop is to 2 ml.

48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

may nabasa ako about jan mommy. magko-cause sya ng water intoxication. bababa level ng sodium ata yun sa katawan ng baby na pwede mauwi sa shock saka seizure. pwede din ikamatay if di maagapan. kaya stick na kang to the recommended dosage. or kung tight talaga, hanap ka mas murang formula like nestogen. may mga nababasa akong okay naman daw. baby ko ang lakas din sa formula. mixed feeding sya kaso di sapat breastmilk ko. usually din ang pag dilute ng formula eh kapag constipated si baby.

Magbasa pa

follow nyo ung instructions ng formula kc bka madiarrhea anak mo...or other complications lalo if baby pa...unless katulad nung pamangkin ko dti nung baby pa na super mataba...ung weight nya is pang 6years old na to think na 3years old pa lang xa un...kya diniet ng pedia nya...nilessen ang scoops ng milk sa water...ang ending after non sb nya not yummy anymore ayaw na nya dumede...

Magbasa pa

Naku mommy alam kong tight ang budget natin pero di ksi pwede yang balak mo. Every milk kasi may designated scoop and water level na need para ma-dilute ng maayos yung formula. If ever na sobra or di sakto sa recommended water lever pwedeng maconstipate si baby. Though it's a case to case basis padin naman.

Magbasa pa
VIP Member

no.. follow instruction nakasulat sa formula ng milk. if namamahalan ka, change the milk brand na kaya sa budget. its not the price that counts kundi ung health ni baby. mas mahirap kng magkakasakit sya dahil sa ginagawa mo. or else mag bfeed ka nlng para walang gastos.

VIP Member

Baka nga po 1 scoop is to 1oz dapat. If namamahalan sa formula, ibreastfeed na si baby. Mahirap pag sinobrahan ang tubig baka hindi makuha ni baby ang tamang nutrients sa milk. Baka magka water intoxication pati si baby

sundin nyo yung instruction magiging malabnaw yung milk ng baby pag ganun walang lasa yun or magplit ka ng milk na pasok sa budget.wala syang makukuha dun parang tubig lang din ang pinadede mo nilagyan mo lang ng kulay.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-34194)

VIP Member

Wag nyo po tipirin ang anak nyo. Hehe. Siguro po mag adjust na lang kayo sa ibang brand ng milk pero same ng effect. Kailangan po natin sundin ung mga proper way sa pagpapainom ng formula milk lalo na po pag newborn.

VIP Member

No. Always follow kung anong nasa instructions. Kung namamahalan sa gatas look for another brand na almost same content din. Hindi rin kasi dahil mahal is maganda na. Lalo na kung ididilute mo lang din ang timpla.

Hindi po pwede momsh. Ayan lang kasi food ni baby. kung pure formula feed siya, jan lang siya kukuha ng lahat ng kailangan ng body niya. kung mas maraming water konti lang nutrients makukuha ni baby every feed.