20 Days Old

Hi mommies! Normal po ba na clingy po yung mga wala pang 1 month. Tipong ayaw magpababa at gusto laging buhat kahit sa pagtulog. Pag nilapag saglit iiyak agad. Okay lang naman sana sakin kaso yung mga tao sa paligid laging nagcocomment kesyo sinasanay ko daw na ganun. Di daw maganda. E ayoko lang naman umiyak si baby kaya kinakalong ko nalang.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din baby ko sis and thats normal kasi nag aadjust pa sila sa environment natin plus gusto ng mga babies ang warm feeling na nakukuha nila sa bawat yakap at yapos natin. And of course pag buhat natin sila maririnig nila ang favorite music nila which is our heartbeat 😊 for me hindi totoo yung pag always buhat masasanay daw kasi ang paniniwala ko kailangan ako ni baby kaya ipoprovide ko yun sa kanya may bonding pa hindi naman forever ganyan yan e mamimiss mo din yan mommy 😊

Magbasa pa
VIP Member

Sakin kasi di ko siya sinanay na bawat iyak niya karga. Kasi un nga masasanay sya at ako din mahihirapan kya kpag halimbawa karga ko siya tas nakatulog siya paglapag ko sknya once mejo naalimpungatan sya itatap tap ko lang legs nya then un na kakalma na siya tulog na mahimbing.

5y ago

Sakin sis nabababa ko naman sya minsan pag tulog kaso pag gising sis ayun ayaw. Lagi gusto kalong.

yung warm ng body natin need ng baby lalo na nasanay sila sa loob ng tummy yung pag karga sila nadidinig nila yung heartbeat ng nanay mas comfortable sila don ☺️ don’t mind what other people say its ur baby anyway u can carry him/her whenever u want 😊

Ganyan si baby ko din dati ayaw magpababa. Pag karga ko ang himbing nang tulog pero pag binaba ko nagigising iiyak karga na naman.hehehe ngayon 2months na siya dna ganyan hehe everymonths nqgbabago sila mommy kaya tiis lang ngayun lang yan😊

VIP Member

Ang mga baby po .ndi iiyak if walang nararamdaman ..pede nmn po hanapan ng ibang ways na mapatahan cla kahit ndi cla karga..un baby q bfore ganyan..pinapaunanan q cla ng damit q para naaamoy pa den nila aq kahit ndi q cla karga...

Ok lang mumsh. Syempre naninibago pa si baby sa outside world, nagpapq comfirt pa. Hayaan mo sila, ako din. Pag ganyan, pasok sa kanan kabas sa kaliwang tenga lang. Eh iba iba naman tayong parenting style.

VIP Member

Same sa baby ko, kaya nga pag may nagsasabi na wag sanayin sa karga, sinasabi ko nalang hnd naman sila ang bumubuhat kami naman ng asawa ko. Hahahaha Cympre nag aadjust pa c baby kaya ganun talaga.

Para sa akin sis ok lng na clingy nasanay kasi cla sa loob ng tyan natin, nabasa ko sa isang article. Especially ebf ako kaya prang bonding na namin.Minsan lng namn cla baby kaya inienjoy ko na.

5y ago

Ebf din ako sis kaya lagi talaga kami magkadikit kaso minsan kahit gising gusto nakabuhat.

Same feeling momsh 1week pa lang si lo pero simula ng nilabas ko siya ganyan din siya ayaw magpababa wala pa 5min naiyak na agad, magdamag ko siya sinasayaw as in puyaters talaga😔

5y ago

True. Sakin ibaba ko lang saglit kunyare magcr ako, naku yung iyak kala mo nangibang bansa ako hehe

VIP Member

Same tayo mamsh, d ka nag iisa. Nakakatulog nga ako nakasandal tas karga sya, mas gusto ko nalang ganon kesa oag nilapag ko iiyak na naman edi lalo ako di nakapag pahinga

5y ago

Totoo no. Kesa pagod kaming dalawa.