Bakit mainit ang ulo ni baby?

Mommies, normal lang po ba na mainit ang ulo ng baby kahit walang lagnat? May tanong lang po ako tungkol sa baby ko na 3 months old. Napansin ko kasi na mainit ang ulo niya kahit wala namang lagnat. Nakakabahala siya kasi wala naman siyang ibang sintomas. Ano po bang dahilan bakit mainit ang ulo ng baby ko kahit walang lagnat? Mayroon bang mga normal na dahilan o dapat ba akong mag-alala? Salamat sa mga makakasagot!

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung first time ko ma-feel yung ganun kay baby, sobrang stress ko. Pero sabi ng pedia ko, normal lang na mainit ang ulo ni baby, lalo na kapag bagong gising o iyak ng iyak. Basta walang ibang symptoms like suka, diarrhea, or pagiging lethargic, okay lang yun. Don’t forget din na i-hydrate si baby lalo na kapag mainit ang panahon.

Magbasa pa