113 Replies
Nope. Hindi advisable ng ospital ang bigkis lalo pag sariwa pa ung pusod nya. Kase the more na nakukulog the more na matatagalan sya sa pag tanggal saka may possibility na ma infect ung pusod kase nga kulob. Eh my time na hind nmn natin napapansin n umiihi ang baby natin tas hindi natin alam kung gano naba latagal hng uhi nya eh pag nabasa pa nmn ang diaper pati ung bigkis mababasa din yan kaya dun nag kaka infection din
depende po kasi s pedia yan.. sa health center po kc d na pinapagamit nyan, kahit alcohol nga d pinalalagyan.. open lang ang pusod ni baby at recommend nila mineral water panglinis.. s case ko kc recommend ng pedia ko 70% alcohol panglinis ng pusod.. since malikot c baby at nagagadgad ng diaper ang pusod, nilagyan nya ng bigkis..
Nilagyan ko si baby after matanggal at matuyo na yung pusod nya. Yung tipong wala nang katas yung sugat. Ang reason ko sa paglagay ng bigkis para di sya maging butad. Baby girl kasi ang sagwa pag malaki ang tyan. 😂
Yes po after mtnggal ang pusod
Hindi po ..baby ko po since pinanganak ko di po sya nag bibigkis ..9 days po tanggal na pusod nya ..madami nga po nag sasabi na mag bigkis daw pero dedma lng ..ako po nanay kaya ako ang masusunod ..
Ako po baka hindi na gumamit ng bigkis.. Mas mabilis kasi matuyo ang pusod ng newborn pag walang bigkis.. And regarding sa sinasabi nila na pra daw sexy paglaki, well nasa lahi naman po yun..
Since birth ng baby ko,hindi ko siya nilagyan ng bigkis.nililinisan ko lang araw2 tapos air dry po para madali matanggal,tapos nung natanggal na nililinisan ko parin hanggang sa ok na
Hindi... sabi kasi ng pedia nya matagal daw matuyo ung pusod pag nakabogkis kaya di na nya pnalalagyan nag aatract pa ng bacteroa kasi pag my bigkis mas malaki chance na mag moist...
hindi po... ksi maliit lng ang tyan ng baby tpos iipitin p ng bigkis... liliit lalo ang space para sa milk.. kaya di po ako nagbibigkis khit ngglit ang byenan ko... 😁😁😁
Sa first baby q ndi, bawal un e. Ndi mgeexpand ang bituka ni baby. Ok nmn pusod ng panganay q naun. Im 30 weeks pregnant and still obey d doktors said. 😊
Hindi po, pero Yung byenan at Lola ko pabor na maglagay ng bigkis.. lahat ng anak nila binigkisan, maski ako nung baby, Wala naman daw nangyaring masama
Kaya nga eh.. iba talaga kapag mga matatanda na, kasi nakasanayan na nila.. matitigas nga ang ulo nila kesyo para di daw kabagin yung bata,, pero syempre ako ang Nanay, ako ang masusunod.. feeling ko Kasi nahihirapan din si baby kapag may nakatali sa tiyan, parang ako ang nahihirapang huminga..
Kimberly Luza Esma