Hiccups in womb

Hi mommies. Napansin ko kasi na panay ang sinok ni baby sa tummy ko nitong mga nakaraang araw. I've counted as much as 3 times a day, mga 5-10 minutes duration. Is this normal or a cause for concern? I'm 36 weeks na pala. Anyone on the same condition? Thanks!

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman masama ang hiccup mommy yun ang sabi sa nabasa ko. Pero kung madalas na dw ito dapat na dw talagang ipa suri sa ob para malaman kung ok lang si baby. Nag pa pelvic utz ako nung 6month naako then nkita dun na naka single loop cord coil si baby. And the MD said matatanggal pa dw yun at pwding ma e'normal yun. And now i'am 34week&3day going to 8month. Verry active naman si baby everymoorning and night lalo na pag busog ako. Hehehe yun nga lang di ako sure if natanggal na ngayon yung naka cord coil sa kanya. I hope natanggal na 😊 sary napahaba..

Magbasa pa
4y ago

Sana nga natanggal na. All the best, mommy!

Hi sis, we have the same concern. 37weeks ako today. Last week, Monday we found out na cord coil si baby pero maluwag lang naman. Im not sure kung related ba. Simula 35weeks panay hiccups si baby. Balik kami Aug 3 for another BPP/NST. Lagi ko lang monitor movements nya. Sabi ng OB-Perinat ko punta ako sa hospital kapag d sya masyado gumalaw.

Magbasa pa
4y ago

Yun nga kinakaworry ko sis, the articles I've read online sabi merong possibility na cord coil kaya frequent ang hiccups. Kakapaultrasound ko lang last week and wala naman nakita, but then wala pa din kasing hiccups nung time na yun. Kakatext ko palang kay OB, waiting for her reply. Praying that everything is okay with baby! ❤

same situation here mamsh Lalo pag na kahiga ako NG right side tas biglang lipat sa left nag kaka hiccups sya. nuchal cord coil rin si baby nung 27 weeks. not sure Kung natanggal naba kasi dipa ako nakapag pa ultrasound ulit. 36 weeks pregnant also

4y ago

Same tayo sis nuchal cord din single loop lang naman pero sabi ng MD matatanggal pa dw yun. Diko lang alam kung natanggal e'ask ko muna kasi sa ob ko if kelan pwdi mag pa bps utz. Para alam ko kung natanggal na ang cord coil ng baby ko. 😊

na notice ko din na may hiccups c baby this week twice na hehe 37weeks nko bukas. May single cord coil c baby, Pero nong 34weeks ako 2nuchal cord coil yun.. Super active ni baby sobra nagkakarate sa loob. monitor lng po movements

4y ago

Naadmit kami kagabi on a totally unrelated reason. Natanong ko din ke OB, normal nga and when they checked sa utz normal nga. So I guess as long as active si baby, okay lang sya.

Same momsh. Yan din concern ko ngayon, going 35 weeks na ako and nxt week pa check up ko. Panay hiccups din si baby ko sa loob pero sobrang magalaw naman.

4y ago

Magalaw din si baby. I think basta active e nothing to worry about naman. Let's pray for safe pregnancy and delivery. 😊

VIP Member

Same here po hiccups sya ng hiccups sa ultrasound ko normal.naman nagwoworry nadin ako

Paano po ba madistinguish ang hiccups ng baby mga mommy?

4y ago

Parang yung normal na hiccups naten. Mafefeel mo na iba sa kick kase rhythmic yung pag pulse pag sinok.

VIP Member

Normal lang po yan mommy

Normal lang po