[UPDATED] Mukha raw akong katulong sabi ng partner ko.

Hi mommies. Nakakalungkot no? Pag yung taong "mahal" ka raw eh simasabihan ka ng mukhang katulong, madungis, di nag-aayos, naglalagas, etc. Sabi ko sakanya, akala niya napakagwapo niya para sabihin ako nun. Sabi niya "di ko need maging gwapo. It doesn't change the fact na mukha ka lang katulong. Ang definition ng katulong para sakin ay MADUNGIS, madumi suot, di nag-aayos, dugyot. Ikaw yun " 💔 mommies eh puro bago po damit ko at binili sa uniqlo pa. Sinasabi niya lang yun kasi panget talaga ako tas tumaba pa ako after namin magkaanak Actually po, di niya talaga ako type kahit nung college pa. Lagi niya sinasabi na panget ako, di raw niya marate itsura ko sa sobrang panget, ako raw pinakapangit na babae na nagustuhan niya, etc. Sa totoo lang po diagnosed ako ng complex PTSD at depression dahil sa mga sinasabi niya sakin. Pero natatawa po siya nung nagcchecck up ako. Baliw daw ako at di raw totoo ang depression. Mabuti nga raw sakin words lang daw, di ako binubugbog. Pero lagi po niya ako sinasaktan, tinutulak tulak, at sinisipa po. :( Pagod na pagod na ako mommies. Never din po siya nagsorry sakin. Araw araw ako umoiyak noon. Wala siyang pake kahit may ilang beses na inabot akong apat na oras na umiiyak at sobrang maga na ng mata ko, wala, para akong hangin :( Hiyang hiya na po ako lumabas dahik sa itsura at katawan ko. 😢 Kung wala lang anak ko, magpapakamatay na lang ako. Ang di ko maintindihan, bakit di na lang siya umalis kesa ipilit na mahal ako. Sobrang sakit. Sorry napahaba, wala po ako nakakausap kasi. Updated: dd mo lang mommies ah, ako po nagbabayad ng condo, bills, at grocery. Siya po ang pinapalayas ko kaso ayaw talaga umalis!! Mas malaki po sahod ko sakanya mga mommies. Currently, dalawa po kasi work ko since I am a freelancer. Di po kami kasal btw. Tsaka di lang partner ko yung ganyan sakin. Halos lahat din po ng kamag anak ko nilalait po itsura ko ngayon :( napakataba raw tapos losyang. 😢 Gwapo kasi anak ko mommies tapos mukha lang akong yaya lagi. Di ako makapagpaayos kasi unang una po 3 yrs na naglalagas buhok ko, di ko pa siya maparebond kaya lagi akong nakabun. PS LANG ULIT AH, DI AKO NAGHABOL SA KANYA NUNG COLLEGE. BAKIT INIISIP NG IBA HINABOL KO? LIKE WTH!!!! NAKAKA OFFEND AH. He restricted me to meet my friends, babae man yan o lalaki. Ganun siya ka controlling at manipulative. Tapos at the same time eh lalait laitin ako. Best friend ko lang siya nun. Di ko siya mahal, type, or gusto. In fact, nung pumayag ako maging kami, eh may iba ako kinikita na guys kasi di ko talaga siya gusto. I only see him as a best friend. Kaso nabuntis niya ako, game over na. Nakailang palayas na rin po ako, seeked help sa professionals, pero ayaw pa rin niya umalis dito sa condo ko. #pleasehelp #advicepls

58 Replies

Sobrang toxic ng ganyang relationship. Palayasin mo na lang mi. Base sa sinabi mo utak ng partner mo pang elementary. Yung tipong puro panunukso lang ang alam. Mukang ang depenisyon ng "love" sa kanya ay sa panglabas na anyo lang. Di worth it na makipagbangayan ka sa kanya. Mas gagaan buhay mo kung wala sya. Palayasin mo na yan.

You have all the authority dahil ikaw pala nagbabayad ng condo at di kayo kasal so walang conjugal dyan. Pag ganyang makapal ang mukha seek help sa barangay. Ireport mo yan.

Sabihin mo sa pulis na pinapaalis mo na ayaw umalis.. Na nakakaexperience ka ng psychological abuse.. Nagstart siya psychological abuse magend yan ng physical abuse kung dinadaan niya sa pets mo ang pananakit pa. Ipaban mo na sa condo magpalit ka ng lock . Tska benta mo na yang Condo kung yan lang di mo maiwan susme.

May kilala ako My na sobrang ganda nung nabuntis pumangit pero di ganyan asawa niya.. Ikaw na magpaalis my, ipawomen's desk mo verbal at emotional abuse ginagawa sayo. Huwag ka magpapakamatay my.. hindi sagot yun. Tska don't allow him to say bad words to you. Remember God made us beautifully and wonderfully.

Pakatatag po kau mi and pray po always 🙏🙏 For me you don't need that kind of guy mi toxic po sya sa buhay mo , Love yourself po mi and always remember that you are never alone po andyan po lage c Lord 🙏🙏🙏 at wla pong panget na ginawa c Lord ika nga Beauty is in the eyes of the beholder .

VIP Member

About sa sinasabi ng partner mo. Dont listen to him. Listen to your heart. Isipin mo you need to be strong para sa anak mo. paalisin mo asawa mo if that will make you at ease. report mo sya sa barangay para di din nya kayo guluhin. use your medical records para sa protection nyo. sana makahelp. ❤️

virtual hug for you my!🫂 mas ipriority nyo po ang peace of mind, kung sya ang dahilan ng stressful life mo better palayasin mo sya sa condo mo.mapanglait po yang kinakasama mo, tutal may anak ka naman na. nakakapangit ang stressful na paligid e ang masama sya yung cause nun kaya better let him go.

Magpatulong kana sa pulis o barangay My para mapalayas mo. Nako my magpaspa ka at magpaparlor marami na paraan gumanda ngayon lalo may pera ka. My pero una love yourself. Huwag mo pakinggan mga nega. inggit yan kaya tinitira ka sa panlabas na anyo mo.. Remember God made as beautifully and wonderfully

Makapal mukha nia kamo‼️ Kya cgro di lumalayas kc ung pera u habol nia Seryosohin u xang palayasin Kapal nmn ng mukha Kya u nmang buhayin anak u pla eh Wg k n mgpakatanga s knya Ms nklskit kc salita kesa pisikal n pananakit Aq kc nun naniningil tlga aq pg cnsbihan aq nun ng di rin mgnda

ikaw umalis, sya ang layasan mo. tutal naman afford mo, malaki nmn sweldo mo and freelancer ka (assuming work from home ka) kumuha ka ng yaya para may mag bantay sa anak mo and may gumawa ng gawaing bahay, work on yourself ng paunti unti.

Your sanity, your peace of mind and your self-worth is priceless. A good wife is worth more than rubies. You're worth more than rubies. You're worth more than that condo. Again it's up to you! Call for help! Adyan mga police.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles