[UPDATED] Mukha raw akong katulong sabi ng partner ko.

Hi mommies. Nakakalungkot no? Pag yung taong "mahal" ka raw eh simasabihan ka ng mukhang katulong, madungis, di nag-aayos, naglalagas, etc. Sabi ko sakanya, akala niya napakagwapo niya para sabihin ako nun. Sabi niya "di ko need maging gwapo. It doesn't change the fact na mukha ka lang katulong. Ang definition ng katulong para sakin ay MADUNGIS, madumi suot, di nag-aayos, dugyot. Ikaw yun " 💔 mommies eh puro bago po damit ko at binili sa uniqlo pa. Sinasabi niya lang yun kasi panget talaga ako tas tumaba pa ako after namin magkaanak Actually po, di niya talaga ako type kahit nung college pa. Lagi niya sinasabi na panget ako, di raw niya marate itsura ko sa sobrang panget, ako raw pinakapangit na babae na nagustuhan niya, etc. Sa totoo lang po diagnosed ako ng complex PTSD at depression dahil sa mga sinasabi niya sakin. Pero natatawa po siya nung nagcchecck up ako. Baliw daw ako at di raw totoo ang depression. Mabuti nga raw sakin words lang daw, di ako binubugbog. Pero lagi po niya ako sinasaktan, tinutulak tulak, at sinisipa po. :( Pagod na pagod na ako mommies. Never din po siya nagsorry sakin. Araw araw ako umoiyak noon. Wala siyang pake kahit may ilang beses na inabot akong apat na oras na umiiyak at sobrang maga na ng mata ko, wala, para akong hangin :( Hiyang hiya na po ako lumabas dahik sa itsura at katawan ko. 😢 Kung wala lang anak ko, magpapakamatay na lang ako. Ang di ko maintindihan, bakit di na lang siya umalis kesa ipilit na mahal ako. Sobrang sakit. Sorry napahaba, wala po ako nakakausap kasi. Updated: dd mo lang mommies ah, ako po nagbabayad ng condo, bills, at grocery. Siya po ang pinapalayas ko kaso ayaw talaga umalis!! Mas malaki po sahod ko sakanya mga mommies. Currently, dalawa po kasi work ko since I am a freelancer. Di po kami kasal btw. Tsaka di lang partner ko yung ganyan sakin. Halos lahat din po ng kamag anak ko nilalait po itsura ko ngayon :( napakataba raw tapos losyang. 😢 Gwapo kasi anak ko mommies tapos mukha lang akong yaya lagi. Di ako makapagpaayos kasi unang una po 3 yrs na naglalagas buhok ko, di ko pa siya maparebond kaya lagi akong nakabun. PS LANG ULIT AH, DI AKO NAGHABOL SA KANYA NUNG COLLEGE. BAKIT INIISIP NG IBA HINABOL KO? LIKE WTH!!!! NAKAKA OFFEND AH. He restricted me to meet my friends, babae man yan o lalaki. Ganun siya ka controlling at manipulative. Tapos at the same time eh lalait laitin ako. Best friend ko lang siya nun. Di ko siya mahal, type, or gusto. In fact, nung pumayag ako maging kami, eh may iba ako kinikita na guys kasi di ko talaga siya gusto. I only see him as a best friend. Kaso nabuntis niya ako, game over na. Nakailang palayas na rin po ako, seeked help sa professionals, pero ayaw pa rin niya umalis dito sa condo ko. #pleasehelp #advicepls

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

narcissist partner. bakit ka magpapakamatay dahil sa ganyang klaseng tao? gold ba sya? iwan mo na yan never magiging magaan buhay mo sakanya. hindi mo sya deserved.. 100% red flag! hindi ganyan ang pagmamahal. gumising ka!

Mi ireport mo nalang sya para mapilitan syang umalis sa condo mo. kasi kung ganyan kasama mo sa buhay super toxic lang. wag mong hayaan mi na ginaganyan ka. ireport mo para mapaalis mo Jan total shoulder mo naman lahat.

Alm mo mi nka dikit lang Yan sayo Kasi siguro mas madiskarte k skniya at may pera ka .. Yun lng Yun alisan mo n Yan bago k pa mabaliw Yung mga gniyan tao di na mag bago Yan .. di k Mahal niyan ginagamit k lng niyan

Married kayo mommy?? Palayasin mo po, pwede ka magsabi sa barangay na sinasaktan ka para mapaalis mo sya since ikaw pala ang nagbabayad sa condo. Kung ako ikaw, ay nako di uubra sakin yan. Makakatikim yan, malala.

omg mommy, napakasad ng story mo kung matagal na syang ganyan mommy pabayaan mo na sya you can pay your bills etc.. wag mo na syang pkainin gastusan or what lumaban mommy, wag mo hayaang minamaliit ka nya..

Magayos ka my, ayusin mo sarili mo tska nasa confidence din yan. Call your friends.. Abusive yang kinakasama mo na parasite naman sa buhay mo. Kaya we don't settle for less. Makakakita ka pa ng iba.

Tska syempre sinumbong mo sa magulang niya sa kanya papanig.. Kahit natatakot ka sa magulang mo dapat sa kanila ka lumapit.. Try mo pumunta sa women's desk at magtanong doon.

Partner mo yung baliw. Tsaka bat ka nagttyaga? Layasan mo tapos maghanap ka ng trabaho! Walang matinong lalaki ang magsasabi niyan sa partner niya. Adik yata yang partner mo e

2y ago

Ay may work po ako. ako po nagbabayad ng bills at condo pati grocery. Mas malaki po sahod ko sakanya. :) siya po ayaw lumayas

benta mo po ung condo. choose ur child ung bata ang magsasakripisyo pag hindi mo sinave ung sarili mo sa sitwasyon na yan. u can do better so do better.

Magbasa pa

Nirape ka nya? So bakit di mo inireport nung una palang? Bakit di ka nagsumbong? Simulat sapul pala may mali na eh bakit hinayaan mong umabot sa ganyan?

2y ago

But, I told his mom. Unfortunately hindi po ito naniwala and chose to ignore my message. Kaya nung nagkaanak ako never ko pinakita sa nanay niya kasi nga di naniniwala na nirape ako ng anak niya