kabit 😒

Hi mommies . meron po kasi akong pinag dadaanan ngayon gusto ko lang po sana humingi ng advice at cheerup ilang araw na po ako naiistress . super sakit ng ulo ko at batok ko kasi highblood ako im 16 weeks pregnant . may asawa po ako ngayon actually matagal na kami mag 7 years na kami wala naman kaming nagiging problema bihira lang kami mag awag halos araw araw masaya lang kami . yung asawa ko po may asawa sa una may tatlo silang anak pero di po sila kasal lahat ng pakikisama po ginawa ko na sa mga anak niya maagos naman po pakilitungo ko sa mga anak niya naiiyak lang po ako kasi nung tumagal lumabad mga ugali ng anak niya yung mga anak ko na maliliit sinasaktan inaaway tapos di masabihan at lumalaban pa saakin minsan nga dumating sa point minura ako 😒😒 super na iistress ako ngayon dahil nag chat saakin lola nila yung nanay ng mama nila ! Na INAGAW KO LANG NAMAN DAW ASAWA KO KABIT LANG NAMAN DAW AKO 😒😒 im super stress naging kami po ng asawa ko hiwalay na talaga sila ng asawa niya and nung nanligaw saakin asawa ko inamin naman niya po saakin lahat una palang tinanggap ko na na may mga anak siya . tama po ba yun ?? Na tawagin akong KABIT ?? KABIT po ba talaga ako 😒😒 ang sakit lang kasi saakin na makarinig ako ng ganun na salita pati pag bubuntis ko pinapakeelaman ng nanay ng dating asawa ng asawa ko . grabe ugali nila . sige lang sila makapag salita saakin di naman nila alam buong istorya .

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

So far, pareho papo kayong walang Title, ke asawa o kabit, pero hindi po tama ang ginagawa ng mga anak ng asawa mo sa una sayo at sa mga anak mo, better na kausapin mopo si lip abouy diyan kasi baka dahil sa mga bata magkaroon po problema ang pagsasama niyo, mabuti ng may alam ang lip mo tungkol sa ugali ng mga bata para hangga't maari huwag kayo ipagsama, at kung ganyan ang ugali ng mga bata sana mabigyan sila ng magndang asal, huwag ka masyado magpadala sa ugali ng mga bata hanggang maaru itama mo yung maling pagpapalaki sakanila, huwag na huwag kalang sasaktan. Peeo siguro for now para iwas stress sis, kausapin mo lip mo na huwag muna kayo ipagsama kasi kawawa si baby sa tummy mo. Sa stress na dulot sayo. Have a safe pregnancy mommy.

Magbasa pa