17 Replies
Kayo naman po ang kinasal, legal ka kung tutuusin kaya hindi ka dapat nagpapaapekto sa mga sinasabi nila kasi di naman totoo mga paratang. Hindi parin matanggap ng ex nya siguro kaya kayo ginaganyan, 1st affected kasi nyan mga anak kaya kung maari, wag mo muna pabantayan mga anak mo sa anak noong babae kasi malamang nasasabihan din sila ni ex, di natin maiwasan may hatred din yung mga bata kaya nadadamay anak mo. I cannot say na di pwede isipin kasi realidad nyu po yan ngayon na kahit manahimik ka, aawayin ka parin non. Sabihan mo nalang kung magpapatuloy sya ng ganyan, may batas na tayo ngayon na pwede makasuhan sa sinumang sisira ng puri sa kapwa tao. May mga evidences ka rin naman siguro para matakot din. Kalma lang, sa lagay mo ngayon may mas lalong naapektuhan, yang dinadala mo. Kaya choose your battles wisely, hindi sa lahat ng pagkakataon papatulan mo mga tao. Maging strong ka emotionaly, para sa mga anak mo. Connected na yan sila sa buhay mo kasi nasa inyo anak ng babae, right? Lastly, sabihan mo si mister, and see kung anong magagawa nya sa kanila. Kasi kung settled yung paghihiwalay nila noon ni ex, di magiging bitter yan sa'yo.. Keep safe mommy 💖
Thankyou sainyong lahat 😊😘 di po kami kasal ng asawa ko pero engaged na kami 3 years na po 😊 ayaw kasi magpakasal asawa ko duon kahit sinabi ng mga magulang nang babae kaya siguro din ng gagalaiti sila pero po now willing po kami mag pakasal sa tamang panahon 🤗🤗🤗 and im super happy kasi sa totoo lang ako po nag bigay ng masayang buhay sa asawa ko ngayon and ako lang naka pag bago 😊😊 sure naman po ako na hiwalay na talaga sila bago naging kami dahil nasa abroad yung babae lumandi siya duon . and gusto naman yun dati ng magulang nung babae dahil nga daw walang kwenta yung asawa ko tapos ngayon nakikita nila na nag bago na at nag sisikap na sa buhay saka sila umeentra sa buhay namin . salamat ng marami sainyo . godblessyou all .
Technically speaking, hindi ka kabit mommy kung law ang pag uusapan dahil in the first place hindi naman sila kasal. Kasal na ba kayo? Kasi once na kasal kayo, ikaw ang legal wife kahit may mga anak sya sa una. Kung hiwalay na sila bago pa naging kayo, hindi yun matatawag na pang aagaw. Wag ka na masyado magpaka stress mommy dahil pregnant ka. Alagaan ang sarili para di mapano si baby. Hindi mo rin maaalis na may galit yung unang family ng asawa mo sayo dahil sa mata nila, kung di ka dumating may chance pang mabuo ang family nila. Nasa paghahandle mo na lang yun mommy. Alam mo naman sa sarili na wala kang tinapakang tao. Pray mo na lang din na mawala na yung galit sa puso nila at maaccept na yung mga nangyari. God bless.
So far, pareho papo kayong walang Title, ke asawa o kabit, pero hindi po tama ang ginagawa ng mga anak ng asawa mo sa una sayo at sa mga anak mo, better na kausapin mopo si lip abouy diyan kasi baka dahil sa mga bata magkaroon po problema ang pagsasama niyo, mabuti ng may alam ang lip mo tungkol sa ugali ng mga bata para hangga't maari huwag kayo ipagsama, at kung ganyan ang ugali ng mga bata sana mabigyan sila ng magndang asal, huwag ka masyado magpadala sa ugali ng mga bata hanggang maaru itama mo yung maling pagpapalaki sakanila, huwag na huwag kalang sasaktan. Peeo siguro for now para iwas stress sis, kausapin mo lip mo na huwag muna kayo ipagsama kasi kawawa si baby sa tummy mo. Sa stress na dulot sayo. Have a safe pregnancy mommy.
Hindi naman pala sila kasal nung una so wag mo na masyado dibdibin na tinawag kang kabit, ang isipin mo nalang alagaan mo mabuti yang baby mo sa tummy mo and aslong na ok naman ang samahan niong magasawa ok nayun samahan mo nalang ng Dasal, dmo naman kelangan I-please ang ibang tao kung ano tingin sayo kung kilala mo naman kung sino ka talaga. And sa mga naunang anak ng asawa mo siguro pag usapan nio nalang mabuti ng kung paano nio sila didisiplinahin at pagsasabihan na wag nilang saktan yang mga anak mo. Dasal lang momsh, magiging ok din yan.
Legal po ba kayu? Kung legal po kayu mas may karapatan po kayu. Wag nyu pakinggan ung lola nila. Wala silang alam sa relasyon nyo. Mahirap pinagdadaanan nyu ksi kayu ang may pinakamalaking adjustment. Illigetimate po ung mga anak nya, pero may karapatan pa rin sla ng hubby mo at common wife nya Dont stress urself momshie. Good things happen to those who are beautiful at heart. Maiintindhan dn ng mga anak ng asawa mo ung sitwasyun, at kapag lumaki n sla, malalaman dn nla ang hirap ng buhay. Dont stress urself lalo n preggy ka. Talk to ur hubby.
Hindi kabit kung kasal kayo. Pero kung pareho kayong di kasal wala siya karapatan sabihan ka na kabit, LIP ka now at siya ex-LIP. Saka bakit po kayo magkakasama sa bahay? Dapat hindi lalo pat ganyan mga anak niya sa una. Kawawa anak mo at ikaw sa stress. Humiwalay kayo ng bahay dahil hindi basta2 maayos yan. Negative ang magiging development ng pagkatao ng mga anak mo pg gnyan na inaaway at sinasaktan. Gat maaga humiwalay na kayo ng bahay.
Saamin nga po tinapon yung bata ng lola dahil di na nila ma kontrol sobrang matigas ang ulo . sa totoo lang ayaw ng asawa ko ako lang may gusto na kunin yung bata kasi sabi ko baka sakali na mag bago saami. Baka bumait kaso nag kamali ako ngayon ayaw na tanggapin ng lola pinapakiusap ko nga lang kahit ilang araw mag papahinga lang ako kung ano ano na agad sinabi saakin kaya super stress lang talaga ako ngayon kasi ako marunong ako umintindi kaso sila hindi .
kung kabit kapo kabit din yung anak niya kasi di naman sila kasal so wala silang karapatan to tell you na kabit ka. wag mo nalang po patulan, regarding sa mga anak niya kausapin mo asawa mo na siya dumisiplin asa mg aanak niya kasi anak niya rin yung anak mo at magkakaaptid sila, ganun din kami maraming magkakapatid sa side mg papa peru never naman kami binagbubuhatan ng mga kuya at ate namin maliban sa usapang disiplina. kaya
hindi nmn sila kasal , hindi kayo kabit sis. para sa health mo po wag po na ninyong pakingan ang mga taong negative and toxic sa buhay mo.... hindi po tayo nabubuhay sa mundo para ma impress ang lahat ng tao .. e delete or blocked you po sila, focus po kayo sa sarili nyo... As long as wala kayong inapakan na tao God will bless you po.... Pray always sis.....
Momsh.. wag pa stress. Masama sa buntis mastress. Tayo ang may control sa buhay naten. Ikaw na lang umiwas sa mga tao o sitwasyon na nakakapagpastress sayo. Ignore messages mo na lang yung nagchat. Hayaan mo sila kung anumang iniisip nila. Ang mahalaga yung alam mo na asa tama ka. Kung kasal kayo sila ang walang karapatan kahit pa sila ang nauna.
Anonymous