11 months old baby girl development

Hello mommies, kaka 11 months palang ni lo last March 6. Ano pong mga activities o ways yung pwede naming gawin para matutunan nyang mag clap hands, tumayo mag-isa at humakbang/lumakad? Hindi pa sya marunong mag clap hands, hirap din kunin yung atensyon nya madali syang madistract. Titingin naman sya kapag tinatawag sya sa name nya pero pag kakausapin ko na sya, sa iba na ulit atensyon nya. Tuwing naglalaro kami binabato nya lang o pinanghahampas yung toys. Kapag sinusubukan ko syang turuan mag clap, o magsabi ng "mama" tatawanan ny lang ako hindi sya nagmimimic (gumagaya). Lagi din syang nanggigigil, panay sabunot at kagat samin (2 palang teeth nya). Ayaw nya tumayo, gusto lang pag nasa playpen o may humahawak. Mas gusto nyang umupo at magcrawl. Nakatingkayad yung mga paa nya pag pinapalakad ko. Normal lang po ba yan mommies? Nagwoworry kasi ako mag 1 year old na sya sa April 6. First time mom po ako kaya hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin puro search lang ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sabi nga nila may kanya kanyang development ang babies hindi talaga magkakapareho yung iba advance yung iba medyo nahuli lang. yung baby ko po kasi nuon mii from crawl tapos upo at may play fence kami dun din kami nakahiga sa lapag may mattress lang. may computer sa harap lagi ako nagpapatugtog kaya gusto nya tignan. Hanggang sa gusto nya na tumayo at nageenjoy sya manuod at dun sya napractice ng tayo tayo tapos nag gagabay na sya sa play fence nya. gusto nya yung ganun at hindi ko naman tinuruan. yung tungkol sa clap ng hands lagi ko sya kinakantahan ng if you're happy and you know it tapos action. mga 10 months nagstart na baby ko gumaya ng kung ano tulad ng close open pero konti pa lang alam nya. patience lang sa pag turo mii. lagi rin kausapin si baby. yung pang gigigil ganun din baby ko mii lalo nag ngingipin gusto lagi mangagat.

Magbasa pa