Please don't judge
Yung baby ko 8 months na nung May 4. Until now wala pa syang alam like close open, clap. Pero marunong na sya tumayo ng matagal, umakyat sa crib at nagbababble din sya. Tumitingin din sya kapag tinatawag sya. Sobrang busy kasi namin mag asawa kaya di namin sya natuturuan. Kapag umiiyak sya kinakamot nya ulo nya o kaya sinasabunutan buhok o hinihila ears nya. Ask ko lang kung delayed na ba anak ko at dapat na ako mag alala?