11 months old baby girl development
Hello mommies, kaka 11 months palang ni lo last March 6. Ano pong mga activities o ways yung pwede naming gawin para matutunan nyang mag clap hands, tumayo mag-isa at humakbang/lumakad? Hindi pa sya marunong mag clap hands, hirap din kunin yung atensyon nya madali syang madistract. Titingin naman sya kapag tinatawag sya sa name nya pero pag kakausapin ko na sya, sa iba na ulit atensyon nya. Tuwing naglalaro kami binabato nya lang o pinanghahampas yung toys. Kapag sinusubukan ko syang turuan mag clap, o magsabi ng "mama" tatawanan ny lang ako hindi sya nagmimimic (gumagaya). Lagi din syang nanggigigil, panay sabunot at kagat samin (2 palang teeth nya). Ayaw nya tumayo, gusto lang pag nasa playpen o may humahawak. Mas gusto nyang umupo at magcrawl. Nakatingkayad yung mga paa nya pag pinapalakad ko. Normal lang po ba yan mommies? Nagwoworry kasi ako mag 1 year old na sya sa April 6. First time mom po ako kaya hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin puro search lang ako.