HEALING and ADVICE.

Hi mommies. I'm seeking a second opinion since I know most people here have the experience and the wisdom. My problem is my husband, but okay naman family niya. I'm 20 y.o and 33wks pregnant. Sa una palang, without the baby, may attitude problem talaga partner ko: pikon, laging masusunod, demanding, at mahirap pakiusapan. What makes a worse pair than a bad attitude and a close mind? Kasalanan ko din naman kasi, dahil marupok ako. Nasanay guro siya na ganyan. Hindi din siya natatakot na iwan, ako pa nga yung iniiwan. Madami na akong nakitang failed marriages sa buhay ko. What's worse is my parents are married but it feels like they've separated for a long time. Worse case scenario, ako lang talaga nakakaalam sa family ko na may mga babae siya. Tas daddy's girl pa ako. Scarring yun para sa'kin. Now na buntis, I don't feel as if I got the support you know? Friends ko nandyan pero hindi naman lagi. Syempre may kanya-kanyang buhay kami. Parents niya? Mabait naman pero I know they're just here for the baby. Mga mommies, paano ba unting unti makabangon? Medjo shakened din naman kasi faith ko dahil ang ideology ko ng prayer iba: Prayer cannot alter any plans that the Lord has for you but it can only strengthen your faith to understand His plans and purpose. Also, ayoko ma experience ng baby ko ang broken family. Ayoko din naman na mabubuhay siya at makikita niya na sira pamilya namin kahit together. Ang hirap. I'm always open naman sa feelings ko saking partner pero bakit nale-label ako kaagad ng OA? Bobo? To think buntis pa ako. Gusto ko lang ng peace. Paano ba? Tulongan niyo naman ako.

2 Replies

mahalin mo lang sarili mo, isipin mo ang halaga mo. pano mo mabibigyan ng pagmamahal ang magiging anak mo kong sarili mo di mo kayang mahalin, pano mo maipagtatanggol ang anak mo sa iba kung sarili mo di mo kayang ipagtanggol. Tayong mga babae dapat alam naten kung ano ang halaga naten di dapat tayo pumapayag na saktan at apakan. oo mahirap lumaki ng broken family pero nasa tamang pagpapaliwanag sa bata yan sa takdang panahon kesa palakihin mo sya sa magulong pamilya na baka sa kinabukasan nya ay gayahin nya. be a good example sa magiging anak mo. yun lang. sana nakatulong ako.

hays sorry to hear that mamsh

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles