SANA PO MASAGOT.

Hello mommies. I'm 9 weeks pregnant with twins and may 2mL subchorionic hemorrhage po ako. Safe po ba pag tinuloy ko pa yung work ko? Magaan lang naman work ko sa office. Sinabihan kasi ako ng visor ko na pag di pa ko pumasok, hahanapan na nila ako ng kapalit. Advice naman po please 😭

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag na.. yung fact na twins pa lang bantayin na, tapos nadagdagan pa ng sch, so naging high risk ka na lalo.. di worth it yung stress na nakukuha mo sa ganyang company na sasabihan ka ng pag di ka pa pumasok, hahanapan ka na ng kapalit? di po yan makaempleyado na kumpanya kung ganyan. may reason ka naman why di ka makapasok.. ang work nandyan lang, madaling hanapin kung nawala. pero yang mga babies mo pag nawala yan, mahirap hanapin. di yan parang bagay lang na mabibili sa tindahan.. ang hirap makarecover.. health mo and your babies ang priority.

Magbasa pa
2y ago

agreee

Hi mhie, halos same ung na experience ko, after ko nalaman na may sch ako at 4 weeks via transv nag leave agad ako for 2 mos and during ng leave na un kinukulit ako ng company na mag decide kung mag continue pa ako mag work (office work) o mag stop na, dagdag stress pa sila sa condition ko na may sch at nag sspotting pa. Mas pinili ko ung safety ni baby, tulad ng mga sinabi nila mahirap mawalan ng trabaho pero mas mahirap mawalan ng anak. Ung work mhie anjan lang yan at makakahanap ka pa. Keep safe and God bless.

Magbasa pa

Ganyan na ganyan nangyari sakin, pero the difference ay supportive ang work ko. 1.5 months ako pinag-bedrest dahil ganun din katagal ang sch. Unti-unti nawala yung sch as the weeks went by and ngayon ok na. currently at 30 wks and hoping for a safe delivery sa twins ko. Alam kong mahirap mawalan ng trabaho pero mahirap din mawalan ng anak, lalo at dalawa pa yan. Konti lang tayong pinagpala ng twins and sana maitawid nyo to ng maayos. Good luck mi

Magbasa pa
2y ago

isa lang placenta nila kaya extra ingat ang advice ng doctor, although magkaiba naman ng amniotic sac. ok kami halos for the 2nd tri pero ngayong 3rd in-advice ng OB na turukan ng pampalakas ng baga in case kailanganin daw i-deliver sila pre-term. ftm din kasi ako so mas mataas ang risk and things to consider sabi ni doc

VIP Member

No po, byahe pa lang nakakatagtag na. Singleton lang yung akin before and my subchorionic hemorrhage din ako but full bedrest advice saken ni Ob since my chances na lumaki yung hemorrhage and masakop niya si baby. Kahit na maganda yung position ko, maganda ang benefits and salary I decided to resigned and alagaan yung pinag bubuntis ko. Since I don't want to take risks lalo na buhay ni baby pinaguusapan.

Magbasa pa

As a mom of twin din, I would suggest NOT continuing work. Sa katigasan ng ulo ko, namatay yung isa kong kambal at 9 weeks. Ayokong mangyari sayo sinapit ko. Napakasakit lalo na't excited ka magkaroon ng dalawang baby. Currently at 30 weeks kami ng natitira kong baby, sobrang ingat ko pa rin. Ngayon lang rin ako nagcontinue ng trabaho (WFH) kasi safe na ako at cleared na ako sa pregnancy problems.

Magbasa pa

Hi Mommy Sa first baby ko po may Subchrionic Hemorrhage din po ako. During that time nag rereview naman po ako for board exam. Hininto ko po muna kasi po pwede po kasing makunan sa stress at byahe. Complete Bed rest po inadvice sakin ng OB ko that time. Marame pa pong work na pwede mo pasukan after mo po manganak. Unahin mo po ung kayo ni baby mu. Godbless Mom. 💗

Magbasa pa

Ako na kahit na malaki yung sahod sa tinatrabahuan ko hindi ako nag dadalawang isip na mag resign kasi natakot na ako baka mag spotting ulit ako sinabihan pa ako ng ob ko na bed rest talaga ako kasi stress ako sa work nun. Mas better na mag bed rest ka mi kasi yung work makikita lang yan. Kelangan natin alagaan ang ating sarili.

Magbasa pa

same experience pero di naman twins ang sakin. Nung 1st trimester ko may SH din ako at nagbedrest sa 2 weeks na pahinga ko naisip ko na magresign na kahit kailangan ako sa trabaho dahil may hawak akong tao. Sabi kasi nang partner ko mas priority muna ang baby ang trabaho pagka anak mo makakapag hanap kapa ulit nyan.

Magbasa pa

ako nga sis, ginive up ko work ko sa ibang bansa mula ng nalaman kong preggy ako, dahil first baby ko to saka 38 years old na ko mas prinaority ko si Baby, lalo sa case mo twins at may sch kapa, tama sila makakahanap kapa ng work ulit. priority mo kayo ng babies mo. Godbless

Mas importante Babies mo Mi. Kung dika nila maintindihan hayaan mo na. Wag mo antayin na tanggalin ka. Ikaw mismo ang mag resign na at mag pasa na ng resignation. Di nila mababalik mga anak mo if ever. Wag nga silang ano. 🙄

Related Articles