Subchorionic Hemorrhage

Nakitaan ako na meron akong Subchorionic Hemorrhage. 9 weeks ako non. Babalik ako sa ob sa April 19 para sa check up. Kinakabahan ako. Please pray for me and my baby na sana nawala na. Wala naman sinabing bed rest yung ob ko kaya may minimal activities ako like lakad sa kwarto papuntang cr, luto. Then tulog. Kaso nag worry ako na yung iba nag bed rest. Ano ba sign pag medyo malala yung Subchorionic Hemorrhage?

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan den po ako nung 1st trimester ko po threatened abortion na nga po tas subchorionic hemorrage ko nun 30% daw, kakabuhat daw po yan ng mabigat dpt po malakasang bed rest po tas inom po ng pampakapit . nawawala den po sya nung nagpa ultrasound ako 11weeks 5days ako nun, iwas lang den po sa sex tsaka buhat ng mabibigat at bawal daw po mapagod .

Magbasa pa

may ganyan din po ako dati during my 1st trimester 2 months ako hindi pinapasok ng OB ko sa work pinag bedrest po ako kasi threatened for abortion po yan ni resitahan nya po ako pampakapit.ingat po kayo lagi wag po kayo mag papagod.pero yung sakin po pag dating ng 2nd trimester ko na wala na po.

Same po sakin nung 1st trimester ko. Hindi ako pinagbed rest, nag-prescribe lang ng pampakapit and wag daw masyado kumilos. Pinagbed rest lang ako ng OB ko nung nakaramdam ako ng severe pain, tas 3 days lang yung bed rest. Okay naman na po ngayon, wala na yung hemorrhage okay din si baby.

sis, gano kalaki yung sch na nakita sayo? sakin kasi 0.6 lang. hindi din ako nagbleed. wala ring sinabi saking magbedrest. medyo napapraning din ako ngayon kasi after 2 weeks pa kami babalik kay OB.

2y ago

thank you sa advice sis!! umiiwas na ako ngayon magkikikilos at dahan dahan lang rin mga galaw ko 😊