help po
Mommies. I need help po. Hindi ko na po alam gagawin ko. Yung baby ko kasi 7 months old, nagka-pneumonia siya nung 6 months palang siya. Na-confine sya sa ospital. Tas ayun binigyan kame ng doctor reseta pang home medication. After a week, okay na. Nagpa-follow up check up kami. Cleared na yung baga niya. Pag uwi namin, kinagabihan, ayun na naman ubo na naman siya. Pina-check up ulit namin, this time sa mas malapit na at sa Pedia-pulmo na kami. Kasi yung dati sa ccmc, malayo nagji-jeep pa kami. Naisip ko baka dahil sa byahe kaya inatake na naman siya ng ubo. Sa pedia-pulmo, niresetahan lang kami ng meptin. Painumin daw ng 7 days, pag nawala stop na. Pero pag meron pa, continue another five days. Nung pagka-7 days, nawala ubo niya as in di na sya umubo, kaya kinabukasan tinigil na gamot nya. Kaso maya maya inubo na naman tas may sipon pa ? awang awa na ko sa baby ko. Hindi na siya nawalan ng ubo. Pag sa monday hndi pa din nawala babalik ulit kami dun sa pedia-pulmo. Ano po kaya gagawin ko? Exclusive breastfeeding naman kami since birth, may vitamins din siya. Pero pagtungtong nya nitong 5-7 months naging skitin na siya. At ayun nga, umabot pa sa puntong na-confine sya. Halos hindi ko na nga sya nilalabas para di sya makalanghap ng usok sa labas.bat ganun? Ang payat payat na tuloy ng anak ko. Hindi siya nag-gain ng weight. Yung weight nya nung 5 mos sya ganun padin hanggang ngaun 6.4 lang. Feeling ko napakapabaya ko. Feeling ko di sapat ung breastmilk ko. ???please help po.. Kung may better ba na gatas para baby ko, parang di healthy breastmilk ko. Sa monday pa balik namin sa pedia.
Household goddess of 1 sweet junior