Gamot sa ubo

Mga mommy, ano po kayang pwedeng gamot sa ubo, bf po siya, dalawang beses na din namin siya napatingin, nung una sa center wala naman nakita o narinig sa baga niya binigyan lang siya ng procaterol kaya lang di pa din nawala ubo niya then nung second check up niya sa may pedia na mismo kami nag pa check up at ang findings niya e pneumonia, ang pina-inom sa kanya na gamot e antibiotics na, 1 week later nawala naman ubo niya tsaka sipon, pero ngayon bumalik ulit ubo niya dalawang araw na, nung una wala naman plema pero ngayon meron na, sinisipon din siya at nung nakaraang araw lang e nilagnat siya, pinababalik kami nung pedia niya dapat nung nakaraang sabado kaya lang dina kami bumalik, kasi sabi ng ate ng LIP ko e pineperahan na lang kami nun at wag na daw kami bumalik, eto namang LIP ko e sumunod din kahit na sabihin kong mahalaga para ma sigurado na wala na talaga, kaya lang mas sinunod niya yung ate niya, nawala din naman yung ubo ng baby ko kaya di na din kami bumalik. So yun, nag woworry ako baka kasi bumalik yung sakit niya, e dipa namin siya ma pa check ulit kasi wala pang pera tsaka dalawang araw palang naman, try ko muna siya painumin ng gamot sa ubo at baka mawala din, ano kaya pwede ipainom sa anak ko? Btw 3 months and 11 days napo siya ngayon, salamat po sa makakasagot! #newmom #firstmom #worriedmomhere #breastfeedbabies

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag po kayong maniwala sa pinperahan lang kayo ng pedia. Hindi po yan totoo. Maraming namamatay na bata dahil a self medication at dahil sa walang trust sa Doctor. Super bata pa ng baby niyo nagka pneumonia na agad, tapos nagse-self medicate pa kayo. You could worsen your baby's health instead sa makatulong kayo.. I understand po na baka mahirap sa pera, pero kapag meron po, follow-up check up niyo po baby niyo, kasi nakamamatay din ang pneumonia kong di maaagapan. Hindi po kita tinatakot but most babies diagnosed with pneumonia nahihirapan talaga kapag di na agapan and some babies died dahil hindi na kinaya. Mahina pa po immune system ni baby at immature pa mga organs niyan kay never po mag self medicate.

Magbasa pa
9mo ago

thank you po!

pumunta po kayo sa pedia.. sa ibang pedia naman kasi minsan hindi hiyang yung gamot na nirereseta ng ibang pedia.. katulad ng baby ko noon bumabalik kami monthly sa previous pedia nya dahil umaatake asthma pero nung nagpalit na kami ng pedia iba ang gamot nireseta at iba rin ang maintenance ng anak ko compared sa previous pedia kaya ayun hindi na kami pabalik2x sa clinic.. thank God.. at magpray din po parati sa health mg baby mo, nakakatulong yun..

Magbasa pa

overfeeding po yan. change nio lang position ni baby pag iinom na ng breastmilk/formula milk. make sure to follow po un recommended time at ounce accdg sa age ni baby like 0-3 months 1 oz lang for every 2-3 hrs. pag mali position pag nagpadede, pwede po machoke un baby. mapunta un milk sa lungs na magcause po ng pneumonia kung hindi maagapan agad

Magbasa pa

ang sabi ho ng pedia bf lang daw po makakapag pagaling sa baby wala daw po dapat ibng halo tapos kung sa vit nman po na ipapa inom nyo celine plus po mas maganda daw yun kesa sa ibng brand

gNyan din sa akin same case 1 mnth plng baby ki non nag simula mag ubi pinahilot kolang nawala nmn ka agad pinahilut ko sa bandang kili kili

wag po magself medicate lalo na at 3 months pa lang si lo. mahirap po yan. pa check up nyo po sa center kung wala pa pong budget

visit pedia para ma assess ng maayos. para kung may need ipa-take na meds mastart agad and iwas complications.

try mo Po Yung sibuyas kung nilalagnat si baby at sinisipun. at ubo for my experience Po legit Po Yung sibuyas

9mo ago

hatiin ng dalawa Ang sibuyas chaka ilagay Sa talampakan ni baby TAs lagyan mo ng medyas Yung paa Niya para di mahulog Yung hiniwa mong sibuyas

same po,may baby isa 4months old and 2x po sya nag antibiotic this month kasi pabalik balik ang ubo😣

10mo ago

Pasingit lng po, tanong ko lng naka experience n po ba kau gumamit ng Neo suppository vaginal n may regla kau safe po ba un, or mas safe gamitin after mens?salamat po

VIP Member

sobrang bata pa po ni baby para mag self medication kayo. Pedia po talaga.