Hi mommies. I don’t know kung may same case sa’kin dito. Gusto ko lang magshare at masakit na ulo ko kakaisip.
Sino dito ang nasa married life na magkaiba religion niyong mag-asawa? Ganun kasi case ko. Bago ako mag asawa, akala ko ako masusunod sa magiging religion ng baby ko. Kaso, nakatira kami ngayon sa in-laws ko at wala na akong magawa since ang husband ko, di naman makapagsabi sa kanila na si baby sa church ko magsisimba in the future. I’m not a Catholic pero si baby, bibinyagan na dun. Tapos nag sa-sign of the cross pa sila kay baby bago paliguan, pag lalabas, ganun. Or minsan ipapakiss pa baby ko sa rosary. I have nothing against those kaso di ko lang kasi nakasanayan yan at di ko naman naimagine na ang anak ko ay magiging iba sa religious practice ko. I expected and still expect na sakin susunod si baby kasi ako naman most of the time ang magiging kasama niya since si hubby ay Ofw.
Sorry ang haba na neto. Sana may makapansin ng post ko. Worried lang ako kasi pano ko mapapalaki anak ko kung sa bahay niya, 2 religions exist? Pano ituturo ang spiritual na bagay sa kanya? Christian ako pero we have ways na different sa Catholics kasi. Di ko pa alam hanggang kailan kami titira sa in-laws ko. Gusto ko talaga nakabukod kami pero dahil sa covid na ‘to, nasira mga plans namin. Sana soon makabukod na kami para sa peace of mind ko. Si hubby naman kasi sumusunod at nakikinig sakin. Si mother niya lang ang masyadong nanghihimasok sa life namin at siya kasi tlga ang devoted Catholic. Natatakot ako na baka sa future, ako pa ang mailang o kailangang magpaalam na isasama ko anak ko sa pagsimba.
Thoughts please?