All About Religion
Hello mga mommies, Catholic ako si LIP ay INC di ko alam kung anong path o religion si baby since lahat kami sa family catholic ayoko naman lumaki si baby na walang religion kasj kapag INC ihahandog siya na tinatawag kaso sabi nila di daw pwede mahandog kasi di pa ako nadodoktrinahan. Any advice po? Salamat
I guess tiwalag na po ang partner mo kung may baby na po kayo at naglilive in. So technically, hindi na po sya member ng INC. Hindi po talaga maihahandog si baby. Unless padoktrina ka at mabautismuhan. Then sya magbabalik loob pa. Mahabang proseso pa yan chi. Lalo at hindi inasikaso ng partner mo. Might take years bago sya makapag balik. Kung option nyo na maghandog ng bata, hindi nyo pa yun magagawa. Pag usapan nyong maigi ng partner mo. Kung ayaw mo maging member ng INC dahil debotong katoliko ka, wag na lang gawing option na magpadoktrina ka, kasi hindi naman magandang nag INC ka lang dahil gusto ng partner mo, o dahil sa ibang reason. Dapat mag INC ka dahil natamnan ka ng pananampalataya. Pero hopefully, magkaroon ka ng chance mapakinggan ang aral. Suriin mo. Saka ka magdesisyon. For you and for the baby. P. S. Baka ibash o awayin pa ko ng mga naniniwalang wala sa religion yan. Kanya kanya po tayo ng paniniwala, kayo na rin nagsabi. Nanghihingi sya ng opinyon, nagbigay kayo, nagbigay lang din ako. Thanks.
Magbasa paActually, wala nmn po sa religion yan, nasa faith po ng tao yan. Let your baby decide pag malaki na sya or may isip na sya, di dapat pinipilit purkit required sa isang religion n dapat buong pamilya pareho pareho ng religion, wala pong freedom pag ganun, let your kid choose kung anu gusto nya. Religion should not be an issue kung mahal nyo isat isa. God is love.
Magbasa paSa akin sis dahil d kmi same ni Mr katoliko cia ako nman ai SDA.. pinabinyagan nya sa katoliko mga anak nmin then Nung malaki na mga anak ko choice na Ng anak ko f saan nila like ung panganay ko binyag na sa sda wla na pkialam Mr ko at my isip na din daw anak nmin..ska wla sa religion Yan khit d magkapareho importante nagkakaunawaan Kayo at d magulo pagsasama nyo
Magbasa paSame situation sis, pure catholic din. Pero nakapagdoktrina nako, sinusubok na. Ikakasal na din kami, trying to correct all of our actions. Sa pamilya ko, ako lang nagconvert, nung una may judgment syempre pero ngayon okay naman, nirespeto ng pamilya ko desisyon ko at mahal nila ang asawa ko.
Nako Moms problema ko din yan ngayon si hubby masyadong ano sa religion (Inc) mamamatay daw daw syang ganun hay nako ayoko ng paniniwala nila 😥😥😥😥😥
yung sister in law ko ganyan din . ang ending nagpa doktrina nalang sya kasi yung hubby nya is INC .
I Catholic mo nlng po siya para pag nagkaisip n sya choice n po nia if magbabago p siya ng religion
Hindi sya mahahandog at matitiwalag sya pag nalaman na nakaanak sya ng hindi INC.
Padoktrina ka na sis ☺️
Pag usapan nyo po ng LIP mo momsh.