Stress(Long post kasi sobrang sama ng loob ko)

Hi mommies, gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob. Hindi kasi kami magkasama sa iisang bahay ng boyfriend ko which is fine nung pregnant ako kasi lagi naman siya nabisita pero after kong manganak kinailangan kong lumipat with my mother and brother sa mga tita ko because of family problems. At first okay naman kami especially nung 1 week leave niya after kong manganak. Andun siya lagi sa bahay tas minsan dun din siya natutulog. Pero pagkabalik niya sa work ayun nagresign siya due to management problems tas nagapply siya sa iba natanggap siya pero natanggal din dahil nadamay siya sa customer complaint ng kawork niya, which is fine kung wala pa siyang pera kasi during that time diaper lang need ni baby na kaya pa naman niya bilhin and sometimes with the help of my family. Pero nung nalipat siya sa mas malaking company, ayun dun na nagsimula na ni isang beses di na niya kaming magawang bisitahin. Nung una okay lang pero napansin na ng mga kamaganak ko yun at medyo nagagalit na sila sa boyfriend ko kasi napapabayaan na niya daw kami. Lagi ko siyang dinedefend na 10 hours duty and super aga pa pasok niya, pero reason nila sana manlang kahit 30mins mabisita kami. Pero sa totoo lang tama naman sila kaya dun na simulang sumama loob ko sa kanya, lalo na nung kinailangan ko ng pambili ng diaper pero wala siyang naibigay kasi wala pa daw siya sahod. Nagaway kami dahil naiinis na talaga ako pero in the end nagsorry ako para magkaayos kami. Yun nga lang after nun iba na usapan namin, halos di niya na ako kausapin kahit anong kulit ko sa kanya. Tapos ngayon pinoproblema ko ung due date niya para sa binili niyang phone kasi credit card ng tita ko gamit dun at lagi akong sinasabihan ng mama ko na need na bayaran un, 2 months na akong nagbabayad nun dahil alam kong wala na siya pera kasi di siya makahanap nung una ng stable na trabaho pero dahil dun nawawalan ako ng pambili ng diaper ng anak ko. Sinasabi ko sa kanya yun pero lagi niya parin sinasabi na sa sahod pa niya daw. Ang masakit lang sakin is halos di niya na ako pansinin, na parang okay lang sa kanya na sobrang namomoblema ako. pakiramdam ko di na niya ako girlfriend or even the mother of his child. Lahat ng problema halos ako sasalo dahil lagi ko siyang iniintindi, pero paano naman ako? Please give me some word of wisdoms, mommies. ???

1 Replies

Parang mahirap ng umasa sa walang gana sis. Kasi kung talagang gusto niya, kahit wala pang sahod gagawan niya paraan para sa anak niya. Diretsuhin mo siya kung anong problema. Mukhang may ibang dahilan.

Ilang beses ko na siyang dineretso sa chat (since di na siya nakakabisita) pero dinededma niya lang concerns ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles