Kailangan ko ng masasabihan
Mommies 😭 Gusto ko lang po maglabas ng nararamdaman 😢 6months post partum. Hanggang kailan ko ba ipapaintindi sa partner ko na hindi basta basta nag iinarte o nagda-drama lang ako? Na hindi ko ginugusto tong pinagdadaanan ko 😭 Ang hirap magsabi sakanya kasi laging sinasabi niya na nagdadrama lang ako at nag iinarte. Na feeling ko daw ako ang laging tama. Naiintndhan ko naman siya na pagod din siya sa business nila. Pero ngayon hindi siya araw-araw umaalis dahil sa pandemic. Nakakaiinggit kasi siya kapag problemado, maglalaro lang siya sa pc, aalis makikipag inuman o magra rides. Nakatira kami kasama parents at kapatid niyang bunso. Siya ang umaalis at napapagod sa business nila. Nagluluto siya ng ulam para sa lahat. Minsan tumutulong din sa gawaing bahay. May isang toddler ako at infant. Kaya hindi ako masyado nakakatulong sa gawaing bahay. Pero dito sa kwarto ako lahat. Magbbantay sya sa baby namin kapag may gagawin ako. Pero kapag naglalaro siya, panganay ko nagbabantay. Nagagalit siya kapag gustong buhatin ng panganay si bunso. Syempre bata pa, hindi pa alama ang tama at mali. Sinasama naman niya ako minsan kapag aalis. Pero mas madalas na dito lang kami sa bahay nila. Naiintndhan ko naman kasi nga pandemic. Lagi siyang pasigaw magsalita o sumagot. Na nagbbgay ng dahilan saken para masaktan at umiyak. Tapos ssabhan niya lang akong nag iinarte. Gusto ko lang naman intindhin at tulungan niya ako sa pinagdadaanan ko eh. Hindi yung siya mismo nagbibigay ng dahilan para lumalala depresyon ko 😭😭😭 Nasa punto na ako na gusto ko mapag isa at magpakamatay. Pero nagpapasalamat prin ako sa panginoon kaso binubuksan niya isip ko na mas isip mga anak ko kesa gawin yung gusto kong magpakamatay. Namimiss ko yung may oras ako sa sarili ko. Yung ako lang mag isa. Hindi naman siguro masama yung humingi ng konting oras para sa sarili ko. Hindi naman araw araw gagawin yun. Mommies 😭😭😭 Hindi ko na alam gagawin ko 😭😭😭