Nag iinarte lang
Almost 3 weeks postpartum and until now di pa din ako nakakalakad or kilos ng ayos kasi masakit pa din tahi/litas ko. Normal delivery ako and 3.9 kilos baby ko nung lumabas kaya mahaba talaga tahi ko at ang tagal ng recovery ko. Ngayon, ung hubby ko, lagi nya sinasabi na nag iinarte lang daw ako. Aminado naman ako na di talaga ako makatulong sa gawaing bahay kasi masakit pa dn talaga hanggang ngayon dahil nga malaki si baby nung inianak ko. Mas matagal pa recovery ko ngaun kesa dun sa panganay ko na 1 week pa lang nakapag SM na agad ako. Gustong gusto ko na dn naman gumaling dahil lagi na lang nya sinasabi na nag iinarte ako pero diko naman mapipilit o mapapabilis recovery ko. Wala akong control kung kelan ako makakakilos ulit ng normal. Iniisip ko ayaw ko na magpagalaw sa kanya ever kesa mabuntis na naman ako tapos makarinig na naman ako ng "nag iinarte ka lang". Araw araw ako umiiyak dahil dito. Diko alam kung effect ba ito ng panganganak kaya masyado ako sensitive sa sinasabi nya sakin o sadya nga bang nag iinarte lang talaga ako? 😢