Mahirap ang sitwasyon mo, kasi talagang sadyang malikot ang isip natin sa mga ganyan. Praning kumbaga. Una, wag na wag kang magsstay para sa bata. Kasi kahit magstay ka, kung di ka naman masaya, hindi din magiging masaya o maganda ang pagsasama niyo at mas lalong kawawa ang bata. Wag mong intindihin ang friends niya, wag mong intindihin, hindi naman sila ang pinakasalan mo. Nakakalungkot lang din, kasi hindi ka nila nirerespeto bilang babae at asawa ng kaibigan nila. Try mo bawasan ang pagsstalk, kasi hindi healthy para sayo, lagi kang naghahanap ng bagay na ikasasakit din ng damdamin mo kung ganun din lang. Kung gusto mo magstay, magtiis, bigyan ng chance ang asawa mo, ipakita mo o iparamdam mo ito sa kanya, kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli. Magfocus ka sa family niyo. Sayang ang energy mo kakaisip sa EX niya. Basta magkaroon lang kayo ng pag-uusap na malinaw ng asawa mo tungkol sa bagay na yan. Maging handa ka sa mga maaari pang mangyari sa future. Maging wais, taas noo lang. Kumbaga, "kung ayaw mo sakin di wag". Yung ganun. Wag mo pag-aksayahan ng panahon ang kaiisip sa kanila ng ex niya at mga kaibigan niyang masama ugali. Wag mo silang tularan. The more na nakikita ka nilang affected, the more na napag-uusapan at nabubuhay ang issue / nakaraan. Move on na. Smile 👍 Pray para sa guidance ni Lord.
Mahirap po na hindi isipin yung sa ex niya kasi around Sept 2017 nung magstop asawa ko umasa na makikipagbalikan pa ex niya. April 2018 naging kami. Ang sabi naman niya sakin bago maging kami... 3 years na daw silang break tapos around June 2018 ko nalaman yung totoo na 2017 lang pala sila nagbreak. Sobrang passive din niya sa lahat ng bagay unless related kay baby. :( Noong kinasal kami last Dec 2018 parang di rin siya masaya. Parang wala lang sa kanya, parang walang special event. Nasstress na ako parang nagsisisi ako na pumayag ako na ikasal kami kasi nraramdaman ko na hindi naman niya ako talaga mahal.
Well.. sa kwento mo mamsh.. parang napilitan cya magpakasal sayo at napaparanoid ka na may iba sya. Like nung sabi mo nag sstart kayo gumawa ng intimate moment pero nawalan cya ng drive? Ewan ko lang mamsh kung feeling ko na paparanoid ka lang or tama ang hinala mo.. Siguro need mo malaman kung anu tumatakbo sa isip ng asawa mo? Kasi yung iniisip mo at iniisip nya.. baka hindi tugma.. so wag mo stressin muna sarili mo... give him a chance and bawasan mo ang doubt mo..
Sis knausp mna ba husband mo about sa x nya? Tell him ndi ka komportable naguusap pa sila dhl nagseselos ka. With regards to his friends hyasn mo nlng just prove to them nlng na mhal mo un husband mo and pg ksma sila pkisamhn mo nlng... ndi knmn cgro pkkasaln ng husband mo kng ndi ka nya mhal at after lng sya sa baby mo.. ksi pde nmn nya suportahn un bata na ndi kailngn ka pkasaln.. mhal ka nya ksi pinaksaln ka e.. bka mstado klng emotional since preggy knga...
same ng sitwasyon saken . pero hindi pa kame kasal . yung nanay naman ng asawa ko ang may ayaw saken , at gusto padin yung ex ng anak niya na kesyo ay nakapagtapos na . ako kasi 3rdyear college palang 4 months na akong buntis . pero yung asawa ko nababasa ko naman na pinagtatanggol niya ako sa pamilya niya lalo na sa mama niya hindi ko lang maiwasan hindi masaktan na alam kong hindi niya ako gusto para sa anak niya . haysssss..
Focus on the bright side. 😊 Wag mo nalang muna istress yung sarili mo sa ibang bagay at mag focus ka muna kay baby. Time will come naman na marerealize ng asawa mo na ikaw na ang nandyan. And kung ayaw sayo ng mga friends nya, so what? Hindi mo kailangan ng approval nila. Be your best nalang para kay Baby at kay Mister.
Magtiwala ka lang sa asawa mo darating yung time na kung di talaga kayo para sa isat isa hindi talaga. Ikaw ang pinakasalan kaya kahit magloko siya sayo pa rin mapupunta lahat. Siguro less doubts lang. ☺
Kausapin mo po asawa mo mommy, itanong mo kung nakukulangan ba siya sayo or kung di ba siya kuntento sayo at kung anong pwede mong gawin para maging okay kayo. Communication is key!
Mahalaga talaga sex life sa relationship
so sad naman hayss 😭😭😭
Nadz Moto Ajibun