Birth defect
Hi mommies first time mom here. Itatanong ko lang po sana pang 4th months ko pong preggy and now ko lang nalaman na Buntis ako. Itatanong ko lang kapag ba hindi naka inom ng mga vitamins na pang first trimester is posible mag ka birth defect si baby or other complications?. or sa genes yun nakukuha. Worried kasi ako dahil ngayon ko lang nalaman please respect po

Maraming factors bakit nagkakaron ng birth defects... bukod sa genes, pwede din halimbawa nakainom ng bawal sa buntis na mga gamot o kaya exposed sa mga chemicals, radiation, pwede din sa paninigarilyo at alak o di kaya naman ay may kakulangan sa nutrisyon ng nanay o di kaya may sakit si mommy na pwede magkaron ng komplikasyon sa pagbubuntis atbp.. ang mga Prenatal vitamins ay importanteng mainom ng Isang nanay na nagbubuntis dahil eto ay tulong para mas mabigyan natin ng sapat na nutrients ang ating growing babies. di natin alam baka mamaya kulang pala ang nutrients na nakukuha natin sa pagkain.. kahit paano magiging sapat kung may tinitake tayong vitamins.. kung gusto mo matiyak na ok lahat si baby mas mainam na mag pa CAS ka at ngayon palang nabigyan ka na reseta for prenatal vitamins magtake ka na agad at mag pray🙏❤️ Godbless
Magbasa pa