Kung kayo yung nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin nyo?

Hi mommies, first time mom ako at nakikitira kami sa parents ni hubbs all goods naman nung first two months ni lo, pero nung nag three months si baby nagsimulang sigaw sigawan, kinukurot, pinapalo, one time dinaganan nya yung rocker ni lo muntik na mahulog ng bunsong kapatid ni hubbs, napaparanoid ako na baka may long term effect yun sa hearing ni baby at sa development nya dahil di sya nakakatulog ng ayos, hindi minsanan yung pag sigaw nya kay lo at pananakit kundi araw araw sa tuwing nakikita nyang tulog or nasa trabaho si hubbs. Gusto nya laging nagugulat si lo, pag nagulat nya tatawa sya ng malakas. Lagi ko sinusumbong sa mama ng asawa ko pero hindi pinag sasabihan o pinapagalitan yung bunso nila ang sasabihin lang sakin e "magtiis nalang kasi ganyan talaga bata dito (sa bahay)" isang beses sinigawan nya si lo habang tulog hindi na tumigil sa pag iyak si lo kaya nakurot ko yung bunso nila, after non chinismis nako ng byenan ko na nakukurot ko yung anak nya. Mali ba na maging paranoid ako mga momsh?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Umuwi ka muna mie sa parents mo. Mas ipriority mo muna anak mo. Kung un ang gusto ni husband na doon siya sa parents niya dahil hindi niya maiwan,magdecide ka as a parent naman na doon ka sa side mo kasi napapahamak na ang anak mo. Sa iyo na rin galing na baka magkaroon long term effect ung nararanasan ni LO un lang payo ko mie.

Magbasa pa

Hindi po maganda sa development ng baby mo yung mga ginagawa ng kapatid ng asawa mo. Trauma aabutin ng baby mo dyan kaya better iwan mo asawa mo dyan at dun ka muna sa parents mo. Priority mo na si baby mo at dapat kung anong makakabuti sa kanya dun ka..’wag mo nang antaying may pagsisihan ka sa huli

Magbasa pa

ikaw mii ang pwedeng magdisisyon at gawin mo ang tama at ikabubuti nio ni baby . wawa naman si baby mo kung ganon ginagawa sa kanya😥😥 naimagine ko tuloy kung ganyan gagawin sa baby ko siguro madurog ko talaga sila🫰😄

sorry pero tanga at inutil ang asawa mo sis. Mamas boy ang naasawa mo 😩 Hnd maganda sa development ng baby mo yan, TRAUMA aabutin nyan. Kung ako sayo aalis ako dyan at hingian ko ng financial support ang inutil mong asawa.

VIP Member

naku mi, kawawa po si baby Nan 😭.. Better po gumawa ka na po ng action kesa si baby pa Ang mag suffer. Ang need po ni baby ay security,love and support lalo na sa age po na ganyan.

at 3 months? grabe. wag mona ilabas sa kwarto baby mo. baka may something dun sa bunso nila.. and kung pwede bumukod nalang kayo.. hihintayin mo pa bang may mangyaring di maganda sa baby mo?

2y ago

sinabihan ko yung asawa ko na bumukod pero ayaw nya malayo sa parents nya at lagi nya sinasabi sakin na kapag may ginawa ulit kay lo isumbong ko sa mama nya wala naman ding ginagawang action mama nya, kami nalang ang lalayo kung ayaw nya