Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Preggers
Kung kayo yung nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin nyo?
Hi mommies, first time mom ako at nakikitira kami sa parents ni hubbs all goods naman nung first two months ni lo, pero nung nag three months si baby nagsimulang sigaw sigawan, kinukurot, pinapalo, one time dinaganan nya yung rocker ni lo muntik na mahulog ng bunsong kapatid ni hubbs, napaparanoid ako na baka may long term effect yun sa hearing ni baby at sa development nya dahil di sya nakakatulog ng ayos, hindi minsanan yung pag sigaw nya kay lo at pananakit kundi araw araw sa tuwing nakikita nyang tulog or nasa trabaho si hubbs. Gusto nya laging nagugulat si lo, pag nagulat nya tatawa sya ng malakas. Lagi ko sinusumbong sa mama ng asawa ko pero hindi pinag sasabihan o pinapagalitan yung bunso nila ang sasabihin lang sakin e "magtiis nalang kasi ganyan talaga bata dito (sa bahay)" isang beses sinigawan nya si lo habang tulog hindi na tumigil sa pag iyak si lo kaya nakurot ko yung bunso nila, after non chinismis nako ng byenan ko na nakukurot ko yung anak nya. Mali ba na maging paranoid ako mga momsh?