49 Replies
Agree basta safe ang space ni baby. hehe. nung una sa crib ko siya talaga pinapatulog. pero nagkaka sepanx agad ako at feeling ko ganun din siya haha. kaya mga 2 weeks pa lang siya tabi na kaming matulog. pero ayun nga make sure safe and space niya. ako kasi habig ko ang magtakip ng unan sa mukha pag matutulog. so one time nagising akong pumapasag baby ko dahil half ng face niya nadaganan na ng unan. sobrang natakot ako nun di ko din sobrang masisi ang sarili ko dahil nakakapagod at nakakapuyat naman talaga itong stge na ito sa buhay nating mga mommies. good thing mababaw lang din ako matulog simula nung nanganak kaya nagising ako agad. then another thing yung mga body parts mo na di mo alam tumatama or dumadagan kay baby lalo na sa ulo. kaya make sure na okay ang space ni baby pag matutulog. para naman sa mga babies na hinahanap ang amoy ng mommy nila, I suggest ikumot niyo yung comforter or swaddle niya para pag matutulog na siya nakakapit na yung amoy niyo sa swaddle niya hahaha. effective siya for me. ❤️
right now co sleeping kami ng newborn ko. incoming 1 month pa lang sya. ayaw din nya na walang katabi madalas mas gusto nya matulog sa akin. Mix siya, formula and breastfeed, pero hanap nya pa rin ako pag matulog sya or kahit gising, kaya madalas ko siyang karga. Di naman ako magalaw matulog tsaka mabilis ako magising lalo na pag katabi ko siya, as in nakasiksik siya sa akin, minsan kasi ayaw nya matulog sa side ng bed nyA, either nakapatong siya sa akin or nakasiksik siya sa tabi ko. talagang todo ingat lang, kinukumutan ko siya dahil share kami ng kumot, manipis lang naman at laging iniipit ko sa ilalim ng arms nya para di umakyat yung kumot. ftm ako kaya takot din ako sa SIDS pero ingat lang talaga at alert lang dapat. Tayong mga mommies naman may natural instinct at alertness pagdating kay baby lalo na tayong mga pinoy or asians in general, maalaga tayo s mga babies natin.
On the first 6 months we try our best na dapat sa crib muna si Baby. Para iwas dagan. Iwas SIDS. Mga ganun. Then walang kumot, but we use swaddle. Also we are making sure na nakaburp lagi and wag muna ibababa si baby after mag feed para iwas lungad. Kaso by 4-5 months, natuto na sya dumapa kaya medyo worried na baka kapag napadapa hindi sya makahinga kasi di sya makapihit. Kaya we try co sleeping. We just make sure na wala masyadong unan. Sa ulo then bolster lang then no kumot. Pinagpafrogsuit lang namin sya since nakaaircon kasi kami matulog. Then we give him space na para talaga sa kanya sa pagitan namin ng Dad nya. Di pedeng tulog mantika. Konting galaw syempre dapat papakiramdaman si baby. And now 10 months na si LO going 11 months. Co sleeping padin. Hindi nagkukumot. Unan sa ulo at bolster lang. Nakapanjama at medyas at tshirt since di ko na sya pinagpafrogsuit.
Co-sleeping kami eversince, lalo na at exclusively breastfed si baby at the time. It's very convenient para makapagpahinga rin tayong mga mommies. Just make sure to take the necessary precautions para hindi masuffocate si baby. Kahit naman na nakaseparate bed sya, there's still risks of suffocation and SIDS. With co-sleeping rin kasi, it's very natural for baby. 9 months sya sa loob ng tiyan natin, tapos paglabas nya, mag-isa na lang sya na ni walang katabi 😞 I honestly believe that co-sleeping has a lot more benefits for baby. Medyo skeptic rin kasi ako with co-sleeping increasing the risk of SIDS since mostly sa western countries lang naman uso ang sids. That and the fact that it's mostly speculations since they don't really know yet its actual cause.
Kami ni hubby since birth co sleeping with our baby nung newborn sya sa gitna namin sya since naka kulambo pa sya nun. Nung lumipat na kami sa room namin, nung una kasi sa baba kami dahil ayaw ng byenan ko na akyat baba ako ng hagdan. ayun ako na ang nasa gitna sincd medyo malikot ang daddy nya. Okay naman ang co sleeping namin since di namumuyat si LO and breastfeeding ako kaya okay din ang side lying. Nagsimula lang akong ilipat lipat sya sa gitna dahil sa right breast ko lang sya napapadede nung 5 months sya ngayun 7 months na sya ang laki na ng sakop nya sa bed namin kami na ni hubby ang nag aadjust 🤣🤣. Basta lang po wala masyadong unan and kumot, si baby ko kasi ayaw talaga ng kumot since birth nagpapakumot lang sya kung yakap mo din sya habang nakakumot.
Co-sleeping since NB stage si baby. she is going 6 months old, nong una nasa gitna sya kaso humihilik si hubby at nagigising si baby kasi newborn pa.. so we decided na sa side sya katabi ko.. Hindi ako natatakot na madaganan yung baby ko kasi hindi ako malikot at light sleeper lang ako magigising agad kahit small movements ni baby. For me maganda ang benefits ng co-sleeping it creates bond kasi yung baby need talaga nila 24/7 ang mommy nila they can smell and feel if nasa malapit lang or wala yung mommy nila. Kapag natutulog din ako, I hold her feet para magigising ako if gagalaw sya and to help me secured na okay lang sya.
Wow thanks for sharing! Relate ako kasi ganito din ang situation namin dati. We started doing the sleep beside us first and then put baby on the crib kapag malalim na tulog niya. pero hirap kami pag gumigising sya. Kaya tinabi na lang namin samin.
agree po ako sa co-sleeping, since newborn si lo ko co-sleeping kami, much better kasi nung una nahihirapan ako magbangon bangon para lang mag breastfeed pero nung nag co-sleeping na kami mas convenient na para sakin magbreastfeed at the same time mas mahimbing din tulog nya, ginawa ko na lang kahit di naman ako malikot matulog, para sure na din safe sa insects, bumili kami nung kulambo for baby, yung para syang payong haha ayun katabi ko sya pero may barrier pa rin na kulambo, nagigising ako pag nafefeel kong medyo nadadaganan ko na yung kulambo 😅 hanggang ngayon co-sleeping pa rin kami pati na rin partner ko
bed sharing kami mommy since limited ang space namin sa condo. sa gitna namin sya ni hubby pero kasi 2 queen size bed ang hinihigaan namin so technically hindi kami nakadikit kay baby talaga. okay for us ang ganon na setup since ebf ako, mas convenient sakin ang sidelying position. hindi namin sya kinukumutan, wala rin nakapalibot na mga unan sakanya. pero now kasi na malikot na sya matulog at naghahanap na ng posisyon, madalas na sya nakadapa makatulog. saka sya mismo ang sumisiksik sa tabi namin, minemake sure lang namin na maayos ang airway nya at di natatakpan. technically, pwede naman talaga. safe cosleeping lang
Team condo! We have the same situation that's why we are also doing co-sleeping. Thank you for sharing!
Co-sleeping ako sa 3 kids ko kasi no choice naman kami since maliit lang space namin 😅 pero kung nagkataon na meron pwede naman kahit hindi un nga lang ang hassle kasi babangon ka pa. Ang maganda sa co-sleeping lalo na pag newborn tas nag bi-breastfeed eh di ko na need bumangon, salpak ko lang dede ko at nakakatulog naman ako kahit side-lying position magpadede. Kung gano ako kabilis makatulog, ganun din kabilis magising. Hehe di lahat ng nanay ganun kaya need mo din i assess sarili mo kung kaya mo mag co-sleeping. Meron kasi ako kakilala na sobrang iyak na ng baby nya di nya naririnig, tulog mantika.
True! Most of us live in small spaces like myself :) That's why usually co-sleeping is really the only way to go. Happy this worked for us! Thank you for sharing :)
kami naman po we are not co-sleeping and i think it worked and is still working for us. 🙂 naka crib po ang baby namin pero we sleep in the same room lang naman po. when he was born, nag co-sleeping po kami kaso nagwoworry po ako baka madisturb namin siya or worse, makumutan habang natutulog. di naman po mahirap yung transition from co-sleeping to crib sleeping. same bedtime routine lang po ginawa namin before: punas/palit damit and diaper, feed, swaddle, white noise on, lull. no pillow, bolster, comforter, etc sa crib po niya, mattress lang po na may tight fitting cover. 🥰
Mommy Hazel of theAsianparent