52 Replies

Hi momsh, ako din po ganyan nong kakapanganak ko walanh lumalabas na milk hanggang sa nag 3 days old sya, d nga sya dumedede sakin halos umaabot ng 12 hours na d dumedede sya kaya gnawa kk nilalagay ko sya sa dede ko at kahit wla nmang syang nadedede hanggang sa nag sugat dede ko ayon lumakas na ung milk to the point na sumisirit. Sabi ng mom ko meron daw lumalabas don na colostrum pero parang wala lang daw lumabas.

Bale nag FM muna kayo?

Ako po April 20 lang nanganak mamsh, inom ka po malunggay capsule tas padede ka lang ng tamang way kay baby mo mas dumedede po sila mag mag gagatas ka sabi po sakin ng midwife dun sa pinag anakan ko tas palaging sabaw at tubig na maligamgam para iwas ubi kay baby tas babad ka po ng facetowel sa mainit na tubig kapag okay na at kaya mo na ung init imassage mo po sa dibdib mo yun lang ginagawa ko

Massage massage mo lang yung dede mo sis may lalabas din dyan, ako nung nanganak ako wala ako mapadede sa anak ko kasi wala din nalabas na gatas pero nung minassage massage ko lang yun dede ko ayun may lumabas ng gatas di ko talaga tinigilan ang pag mamassage hanggat walang lumalabas na gatas. mejo masakit lang siya pero keri naman para kay baby.

Iunlilatch mo lang si baby, mommy. Lots of vitamin c rich food. Maliit lang stomach ng newborn, may nakukuha si baby mo. In a few days mafefeel mo dadami na supply ng milk mo. Be prepare for engorgement. Learn to hand express na mommy. Buy ka nung silicone catcher. Bawal po magpump until 6 weeks( ideally).

VIP Member

May cases talaga na ganyan momsh. ako sa 3rd baby ko sa 4th day pa ako nagkagatas unlike sa 1st 2 ko na meron agad. habang wala pang milk sabaw ako bfast, lunch and dinner (seashells, malunggay, baka, papaya) and milk in between. pinainom din ako ng natalac ng pedia namin.

nan po nirecommend ng pedia namin kasi unlike other milk Matabang sya. Di mahihirapanc baby from formula to breast milk.

Meron po kayong milk, colostrum po yung nakukuha ni baby sa inyo. Konti lang talaga sya kaya hindi nalabas pa pag naghand express. Unli latch lang kayo ni baby, more sabaw and malunggay, intake ka din ng milk, oats to help with milk production.

VIP Member

Oatmeal. Pump it up mama kahit. Manual potpot lang para lumabas milk mo. Pero pinaka best padede mo kay baby, kahit feeling mo walang laman. Remember ang tummy ni baby is very very small pa. Kaya no need bigyan ng madaming milk agad agad. :)

Ako po april 17 nanganak wala din pong lumalabas sabi ni doc pasipsip ko lang daw ng pasip sip yun 3 days inabot nagkagatas din... O kaya mami ipump mo ng ipump... Tubig ka lng at sabaw na may malunggay... Yun na mga sunod na ginawa ko...

VIP Member

Kain po ng masabaw na pagkain, inom ka maraming tubig, and kain ng maraming malunggay, tska fruits and veggies. Nakatulong sakin personally ang oatmeal, pero iba iba naman per mommy. Unli latch lang po kay baby. Good luck mamsh!

Normal lang po na wala pang lumalabas na milk pag bagong panganak pero keep mo lang si baby sa pag dede sayo, yun lang mag susugat nipples mo pero magkakamilk din yan. 😊 Mga 2-3 days after mo manganak meron na yan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles