Maternity Milk recommendations?

Hi mommies, ask ko lang kung ano pong recommended niyong maternity milk? Anmum palang na-try ko, yung mocha flavored (akala ko kasi lasang kape, di pala). Pero natatamisan ako masyado kahit dinadamihan ko ng water. Di ko bet lasa ng plain milk lang eh :( Baka may na-try po kayong ibang brand/flavor na okay ang taste for you. EDIT: di ko na po kayo ma-replyan isa-isa, but thank you po for all your insights and suggestions, mommies.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Kahit anong milk naman po pwede Sis, as long as umiinom ka ng prenatal vitamins mo. :) ako iniinom ko ngayon yung bearbrand adult plus lang or arla full cream milk (pag naubusan ako ng bearbrand), since di ko type yung lasa ng anmum, masyadong malansa sa panlasa ko ngayon at masyadong natatamisan ako. (unlike sa una kong pregnancy, anmum ang gusto ko). if maternal milk talaga gusto mo, try mo enfamama, prenangen or promama po (vanilla and chocolate lang available flavors nito sis)

Magbasa pa
2y ago

Yes sis, pwede naman. kung anonrin ang oasok sa budget syempre. napili ko lang yung adult plus kasi mas mataas lang ang calcium content :)

binigyan ako ni ob ng calcium supplement 2x a day tapos may obmin din at moriamin...walang specific na gatas kaya bearbrand lng iniinom ko minsan... umiiwas kasi kami na magkaroon ako ng GDM gawi na may edad na 35 ako ngayon first pregnancy at 22 weeks

Plus 1 sa enfamama choco, yan iniinom ko before sa 1st born ko. Ngayon wala akong milk 😅 nag lbm ako sa anmum and enfamama kaya binigyan ako vitamins nalang ni ob “milkca” ang name.

promama sakin siss nagustuhan ko ang lasa kaso ang hirap hanapin. kaya nag enfamama na naman ako chocolate flavor. ewan ko lang kung magustuhan ko to huhu

since preggy Ako milk ko anmum Choco flavor ,no need add sugar maiinit lang na tubig ,ok nman di nman matamis sakto lang, sabayan lang Ng prutas ,

VIP Member

Hi mommy, Any milk can do naman if hndi talaga bet ang lactation drink. 🙂 Pwede ka naman sa fresh Milk and sabayan ng multivitamins and ferrous

Prenagen Choco lasang ice cream ☺ but my OB advised me na mag Non-fat milk muna .. kasi mataas ang sugar ko and to avoid GDM na din ..

Hindi ko nabetan ang anmum. Kaya nag bear brand na lang ako. Pero madalas fresh milk na low fat lang. 😊

TapFluencer

Okay lang naman walang milk kung may prenatal vitamins ka na. pero you can try choco flavor ng anmum :)

Ako, fresh milk plus 2 calcium supplement. As per my OB matataas sa sugar ang mga maternity milk.